Four-Leaf Clover by Crimson Skye (non fiction books to read .TXT) đź“–
- Author: Crimson Skye
Book online «Four-Leaf Clover by Crimson Skye (non fiction books to read .TXT) 📖». Author Crimson Skye
Tumutulo ang luha sa mga mata ni Shawn nang hindi niya namamalayan. Napatingin siya sa kalangitan habang unti-unting bumubuhos ang banayad ulan mula dito. Kahit ang langit ay nakikidalamhati sa pag kawala ng taong minamahal nya. It was hard. Too hard for them. Bakit? Bakit umalis nalang ito nang hindi man lang inaasahan? Ni hindi man lang niya nagawang magpropose dito. Bagay na matagal na niyang pinaghahandaan. Bagay na matagal na nyang gustong gawin ngunit ngayon ay mukhang imposible nang matupad.
“Bakit Kate?” Para siyang baliw na nakikipag-usap sa puntod nito. “Bakit hindi mo man lang ako hinayaang sabihin sayo kung gaano ka kahalaga sakin? Ang daya mo.”
Masakit ang malagay sa ganoong sitwasyon. Malaki ang pinanghihinayangan niyang sandali. Namatay sa plane crash ang nobya niya, isang linggo na ang nakalilipas. Halos lahat ay nalungkot ng malaman ang hindi inaasahang balita. Napakabait ni Kate sa lahat. Everything you ever wanted and dreamt of. Sayang lang dahil hindi na sila magkakasama pa nito.
Lumipas ang ilang araw at medyo nakaka-recover na rin si Shawn kahit na kung minsan ay hindi nya maiwasang malungkot sa tuwing bumabalik ang mga ala-ala ng yumao nyang girlfriend. Naisipan nyang bumalik sa mga lugar kung saan sila lagi nagpupunta nito. Marami kung tutuusin pero may isang espesyal na lugar na madalas silang puntahan. Ang lumang park. Mula nang magkakilala sila ay lagi na silang nagpupunta sa lugar na yon. Wala naman kasing espesyal dito kung titingnan. Halos wala na ngang pumupunta dito dahil tanging lumang palaruan, mga ligaw na bulaklak at mga mayayabong na puno lang ang matatagpuan sa nasabing park. Ngunit sa lugar na yon, payapa ang mundo nila. May isang bahagi rito na kung saan sila madalas na nagpapalipas oras. Silang dalawa lang habang nakatingin sa malawak at bughaw na langit. Mga panahon na napag-uusapan nila ang kanya-kanyang problema at mga pangarap sa buhay. May kung ano sa lugar na yon na hindi niya maipaliwanag. Ang lugar na tinawag nilang cloverfield. Puno kasi ito ng mga clover at mga mababangong lavender naman ang nakapaligid dito.
Nahiga siya sa malamig at preskong luntian habang ipinikit ang mga mata niya pansamandali. Pinapagaan ng lugar na iyon ang sakit na nararamdaman niya. Para kasing nasa tabi lang niya si Kate. Nakakausap. Nahahawakan. Nakikita. Kung may paraan lang sana na maibalik ang kahapon. Only if he had the chance to hold and bring back the time that has been taken away… Bahagya siyang napasulyap sa mga dahon ng clover na nasa tabi niya. Karaniwan na sa mga ito ang pagkakaroon ng tatlong dahon lamang. Ubod na daw ng swerte kapag nakahanap ka ng apat. Napangiti siya ng may maalala. Natatandaan pa niya yong mga panahon na para silang baliw nito na naghahanap ng clover na may apat na dahon. Maaari ka daw kasing mag-wish ng kahit ano and it will be come true. Nagpauto naman silang dalawa sa ganoong haka-haka kaya sa tuwing nakahiga sila sa lugar na yon, kanya-kanya silang hanap ng sinasabing wishing leaf. Pero sa tinagal-tagal ng panahon… ni isa wala silang nakita.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya saka sumulyap sa orasan na nasa bisig niya. Ngayon lang niya napansin ang halaga ng oras. Sa tuwing kasama niya si Kate hindi niya ito napapansin. Buhat nang mawala ito naging boring na ang lahat para sa kanya. Hindi inaasahan na mapadako ang kanyang paningin sa isang may katandaan nang puno ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay sa nakita. Hindi dahil sa nakita nya lang ang puno at mga sanga nito… hindi rin dahil sa may nakita siyang ahas na gumagapang dito… hindi rin dahil sa nilulumot na malalaking ugat nito. Ito ay dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi maipaliwanag na dahilan — a four-leaf clover was found, nag-iisa at animoy nagtatago sa isa sa mga ugat ng nasabing puno.
Napailing si Shawn. Pati ba naman mata niya ay dinadaya siya? Hindi na siya magtataka kapag nakita niya ang girlfriend niya maya-maya. Sumulyap ulit siya sa nasabing halaman at hindi siya namamalik-mata lamang. A four-leaf clover was seemingly dancing as the wind blows through it. Hindi nga? Perfect timing naman ata ang pagpapakita ng isang ito. The curiosity on him was now wholly consuming his senses. Lumapit siya para kunin ang nasabing wishing leaf. Inumpisahan nya itong bilangin. One. Two. Three. Four. Marunong naman pala siyang magbilang. And yes. It was four.
Napakamot siya sa ulo. Pambihira! Magpapaloko na naman ba siya sa isang makalumang alamat? Nanumbalik siya sa pagkakaupo saka pinagmasdan ang nasabing kakaibang halaman. “Pwes… Masusubukan natin kung totoo nga ang mga kwentong yon.” Huminga siya ng malalim. “I want you to bring her back. Bring the time back!” Nanahimik siya. Tss. Walang namang nangyari. Ilang sandali pa siyang naghintay pero ni paglakas ng hangin, pagkulimlim ng lanagit, pagkalanta ng mga dahon… mga pangyayaring sa TV lang ata nangyayari? Ni isa sa mga yon wala. Ni anino ni Kate hindi niya makita. He left out a sigh of disappointment. Ang bagay na kinalolokohan nila dati ay hindi naman pala totoo. Sana lang alam rin ni Kate ang bagay na yon. Itinapon nalang niya ito saka bumalik sa pagkakahiga. Wala na talagang pag-asa pa na makita at makasama nya ito. Hindi naman siya talaga naniniwala sa nasabing kwento. Nagbabakasakali lang siya kahit na medyo nagmukha siyang tanga ng kausapin niya ang isang halaman. Unti-unti siyang inantok at tuluyan ng nakatulog.
Ang silaw na dala ng sinag ng araw ang nakagising kay Shawn. Bahagya siyang nagmulat at naupo. Inilibot nya ang paningin. Ganoon pa rin. Walang nagbago. Tiningnan niya ang oras. 2:30 PM. Ang tumambad na oras ang nagpangot sa noo niya. 2:30? Sira na ba ang relo niya? Nang huli nya itong tingnan ay ganoong oras rin ang nakita niya. Ibinaling niya ang buong atensyon dito. Tama nga siya. Hindi na ito umaandar.
“Shawn!” May tumawag buwat sa likuran niya.
Agad naman niya itong nilingon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang taong hindi niya inaakalang makikita pa niya. Ang taong dinamdam niya ng lubos ang pagkawala — ngayon ay naglalakad palapit sa kanya. Ang taong mahal na mahal niya — ngayon ay ilang sentimetro nalang ang agwat sa kanya. Dapat na ba siyang mag-panick at tumakbo? Ngunit kahit na gusto niyang gumalaw, nanatili siya sa pwesto niya at nakatitig lamang dito.
“O? Anong problema mo?” tanong nito sa kanya saka umupo sa tabi niya. “Kanina ka pa ba? Sorry na late ako may — …”
Hindi na ito nakatapos pang magpaliwanag. Niyakap na niya ito ng mahigpit. She was alive! Kate was alive! Nararamdaman nya ang bawat pintig ng puso nito. Ang bawat paghinga nito. Nadarama at nahahawakan niya ang ito. “You’re back!” Pinipigil niya ang maiyak sa sayang nararamdaman. Ano pa nga bang mas sasaya sa makita mo ulit ang taong halos nagsilbing buhay mo sa pangalawang pagkakataon?
“Hah?” Maang na tanong nito. “I’m back? Kararating ko lang kaya. Saan ba ako nagpunta?”
Sasabihin na sana niya ang lahat pero sa tingin ba niya maniniwala ito kung sasabihin niya dito na namatay na ito at nagbalik lang? Baka magkagalit lamang sila. What matters most is that he was with her again. He paused and asked… how did it happen? Naalala niya ang wishing leaf. The four-leaf clover na kanina lang ay itinapon niya. “Kate…” bulong niya saka kumalas sa pagkakayakap dito. “I want to show you something.”
Dali-dali nyang hinanap sa paligid ang nasabing mahiwagang halaman na naiisip niyang dahilan sa pagkabuhay ng girlfriend nya. Inisa-isa niya bawat makitang clover pero wala na ito. Tanda pa niya ang lugar kung saan nya ito itninapon pero hindi na niya ito makita pa. “Ano ba kasing hinahanap mo?” Narinig niyang tanong ni Kate.
Wala na. It was gone. Hindi na niya ito makita. “A-A… Wala.” Yon nalang ang nasabi nya. “Wala yon. Wag mo nalang pansinin.” Ngumiti siya dito saka bumalik sa kinauupuan niya.
“Wag mong sabihing naghahanap ka pa rin ng wishing leaf?” Natatawa nitong tanong.
Pilit siyang ngumiti. Totoo naman ang hula nito. “Parang ganun na nga.”
Siniko siya ni Kate. “Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na hindi naman yon totoo?”
“It was!” Walang anu-anong nasabi niya. Napaarko ang kilay nito. “Ang ibig kong sabihin malay mo totoo, di ba? W-Who knows?” Pinagpapawisan na si Shawn sa mga nangyayaring kababalaghan na hindi rin naman niya makuhang ipaliwanag.
Natawa ito sa reaksyon niya. “Relax. Naninibago lang ako sayo. Masyado ka na namang defensive.”
Humarap siya sa girlfriend at hinawakan ang mga kamay nito. “Kate…” Sabi pa niya. “Batukan mo nga ako.”
Hindi na napigilan pa ni Kate ang pagtawa sa narinig. Nasisiraan na ata ang nobyo niya. “Oy Shawn! Okay ka lang ba? Baka gutom lang yan.”
Natahimik lamang siya at mataman itong pinagmasdan. Totoo naman ang nilalang na nasa harapan niya. Hindi panaginip o imahinasyon lang. Si Kate iyon at hindi siya pwedeng magkamali. Maya-maya pa ay isang malakas na batok ang gumising sa diwa niya. “Aray!”
“Sorry!” Hindi naman magkamayaw sa paghingi ng sorry si Kate dahil sa ginawa. “Sabi mo kasi…”
Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa sa ginawa nito. Masakit rin ang batok na yon. Napangiti na lamang siya at nakitawa na rin dito. Ngayon, hindi na talaga siya nananaginip o nag-iilusyon lamang. Everything was real. Alam niyang napaka-imposible pero nangyari.
“May maganda nga pala akong balita,” umpisa ni Kate saka tumingin ng diretso sa kanya. “Nakapasok ako sa International Music Competition!”
Music competition? Narinig na niya ang tungkol dito pero hindi pa malinaw kung saan. “Anong music competition?” Tanong niya.
Tumango ito. “Hindi mo ba natatandaan? I joined almost a month ago. Masyadong maraming participants mula pa sa iba’t ibang bansa at mabigat rin ang screening. Buti nga at nakapasok pa ako! Sa Vienna gaganapin ang annual competition na yon. Aalis na ako in three days.” Ngumiti ito.
He suddenly remembered something. Ito ang dahilan kung bakit aalis ng bansa ang girlfriend nya. Ito rin ang magiging sanhi ng pagkawala nito. Kung ganun, hindi nabuhay si Kate. He was back in the past. “What day is today?” Usisa niya.
“Hmmm… July 25?” sagot naman nito. “Bakit? May gagawin ka ba ngayon?”
25. Kung hindi siya nagkakamali, July 28 naganap ang plane crash. Tama. Sa loob ng tatlong araw aalis ito. He was indeed in the past. Halos two weeks ang nabalik na panahon sa kanya. Natahimik siya at nag-iisip na naman. Tatlong araw? Sapat na ba yon? Tatlong araw lang niya itong makakasama. Muling namayani ang lungkot sa puso niya sa tuwing sasagi sa isip ang nalalapit na pagkawala nito. He couldn’t bear it. Hindi na niya hahayaang mawala pa ulit ito sa kanya. Gagawin niya ang lahat mapigilan lang ang oras. Mapigilan lang ang napipintong pagkamatay ni Kate. He would go against time.
“Wag kang umalis.”
Tumingin ito sa kanya. “Ano?”
“Wag ka nang pumunta sa event na yon.”
“Akala ko ba napag-usapan na natin ang bagay na yan.” Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. “Mahalaga sa akin ang competition na yon.”
“Wala akong pakialam!” Hindi niya inaasahang masabi ang bagay na ito. “Mas mahalaga ka sa akin.”
Umiling ito sa narinig. “Hindi.” Bahagyang tumaas ang boses ni Kate. “Kung mahalaga ako sayo, hahayaan mo akong gawin ang mga bagay na gusto ko.”
“Hahayaan kitang gawin ang mga bagay na gusto mo, kung alam kong makakabuti yon sayo.” Nagtaas na rin ang boses niya.
Agad itong tumayo. “Ano bang pinagsasabi mo?” Inis na tanong nito. “Tss. Dyan ka na nga. Magkita nalang tayo bukas kapag wala na ang topak mo.” Pagkasabi noon ay nagmamadali na itong umalis at hindi na lumingon pa.
Nasapo niya ang noo sa inis. Konting oras na nga lang ang natitira at mukhang masasayang pa dahil sa pagkagalit nito sa kanya. Paano ba nya masasabi dito ang lahat? Kahit sinong matinong tao tiyak hindi maniniwala sa sasabihin niya.
Kinabukasan ay tinawagan agad ni Shawn ang nobya para humingi ng tawad dito saka niyaya na lumabas. Halos dalawang araw na silang magkasama pero mukhang kulang pa rin ito. Sinusulit na
Comments (0)