Only One by Crimson Skye (the best motivational books TXT) đź“–
- Author: Crimson Skye
Book online «Only One by Crimson Skye (the best motivational books TXT) 📖». Author Crimson Skye
May gusto ako at alam kong mahal ko na siya pero hindi ko sya magawang ipaglaban. I was afraid. Too afraid that I might be doing a mistake. A common mistake I witnessed almost on everyone. Yong tipong mahulog ka sa isang taong hindi naman para sayo. Inaamin ko, no girlfriend ako since birth kahit na marami ang alam kong may gusto sa akin which was too obvious dahil sa pagpapacute nila. Hindi naman sa nagyayabang ako o ano. Ito ay mga bagay na sadyang napapansin ko lamang. Let’s make this one as an example:
“Oy Troy!” Siko ng kaibigan kong si Justin. “Tingnan mo ang ganda ng babaeng yon o!” Turo pa nito sa isang sexy at magandang babae sa di kalayuan. Nasa isang clothing boutique kami noon sa loob ng mall kung saan kami laging namamasyal.
“So?” Tanong ko naman sa kanya.
Oo. Maganda? Check. Sexy? Check. Mabait? Not sure. Smart? Maybe. Madaling pakisamahan? Hope so. Maraming karelasyon? Pwede. Type ko? Hindi. It’s a fact. The girl was beautiful at talagang maaattract ka the moment na makipagtitigan ka dito. But hey! Di ko naman kailangan noon. Mas importante sa akin ang character and looks goes second.
“Grabe ka naman!” Sabi pa ng kaibigan kong ay pagka-timang. “E kanina pa sa iyo yon tingin ng tingin e.” Saka nag-beautiful eyes.
Natawa ako sa ginawa nya. Hindi na ba ako nasanay? Ilang beses na ba nyang sinabi sa akin yon tuwing namamasyal kami. “Malamang. May mata e. Ano? Tanggalin natin?” Biro ko sa kanya.
Tumawa naman siya sabay palo sa likod ko. “Baliw!”
Mga babae nga naman. Ang hilig mamalo kahit hindi naman inaano. Oo. Babae si Justin. Isabella Justin ang real name niya. Ayaw naman niyang patawag ng Isabella o Bella man lang. E di Justin ang kinahantungan. Ewan ko ba kung bakit ganun ang pangalan niya. Parang pinagsamang pangalan lang ng isang couple. Isa pa. Masyado siyang siga para tawaging Isabella. Hindi ko nga alam kung straight siya o… alam na. Boyish kasi siyang kumilos. Sa pananamit naman, nagsusuot rin naman siya ng mga dress saka girly rin ang choice sa ibang mga bagay. Mahirap lang talaga siguro siyang intindihin pagdating sa fashion.
“Samahan mo na kasi ako sa mental,” asar ko pa sa kanya. Baliw daw e.
“Oww… sure!” Excited naman na ganti ni Justin. “Kelan ba? Sabihin mo lang a. Masyado kasing hectic ang schedule ko.”
Napailing na lamang ako at napabuntong-hininga. Wala talaga akong laban sa lakas mang-asar nito. Para siyang hindi babae kung mambara. Para ring siyang lalaki kung kakausapin mo ng masinsinan. Kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya dahil may sense of masculinity and femininity at the same time. Hindi na ako sumagot sa pang-aasar niya at nagyaya nalang sa food court. “Buti pa kumain nalang tayo.”
Kasalukuyan na kaming kumakain nang may lumapit na babae sa table namin. Hindi ko naman ito masyadong napansin dahil masyado akong busy sa aking agenda. Si Alex ang nakapansin dito saka ako palihim na sinipa.
“Ano?” Medyo inis na tanong ko sa kanya.
Inginuso niya sa akin ang nasabing babae. Ito rin yong sexing babae sa clothing boutique kanina. “Hi. Pwedeng makipagkilala sayo?” tanong nito sa akin na nakapagpakunot sa noo ko. Interesado talaga ang isang yon sa akin na hindi ko naman lubos akalain. She was way too bold para personal na lumapit. Kung yong iba nga okay na sa patingin-tingin lang. This one is quite different.
Tumango naman ako saka pilit na ngumiti. Sino ba namang lalaki ang makatatanggi sa isang magandang babae na makipagkilala, di ba? Tumingin ito kay Alex saka nagtanong, “Pwedeng maki-share?”
Hindi ko alam kung ang sinasabi nito ay ang table at vacant seat namin o may iba pa itong ibig iparating doon. Tumango naman at ngumiti ang poker face kong kaibigan. Nga pala, hindi ko bestfriend si Justin o kung ano man. Friends lang kami. Sabihin na nating close friend?
“Rachelle nga pala,” sabi nito sabay abot ng kamay sa akin.
Ngumiti ako at inabot ang kamay nito. Masyado naman atang pormal ang isang ito. “Troy. Nice to meet you, miss.” Pakilala ko at saka ngumiti.
Maya-maya ay kunwaring nasamid si Alex. Tapos na pala itong kumain. Anong klaseng way kaya ng pagkain ang ginawa nito? Ang lalaki na siguro ng subo kaya naubos agad. “A-A… Punta muna ako sa banda-banda doon,” sabi niya saka parang bata na tumawa papaalis.
Bago ko pa siya mapigilan ay mabilis na itong naglakad palayo na ngingisi-ngisi. Pambihira talaga ang isang yon! Walang pakisama. Iniwan ako mag-isa. Hinanakit ko. Napakamot na lamang ako sa ulo. Kahit kailan talaga. “Saksakan ng daya ng isang yon.” Hindi ko sinasadyang nasabi ang laman ng isip.
“Sorry,” sabi ni Rachelle. “Nagalit ata ang girlfriend mo.”
Natawa ako. Girlfriend daw? Wala akong girlfriend. Kahit na ang akala ng lahat e meron. Bahala nalang sila sa iniisip nila. Hinahayaan ko nalang. Ito namang si Rachelle alam kong hinuhuli lang ako kung in a relationship na ba ako o hindi. Kaya naman pinagtripan ko na rin. “A… Oo nga e. Tampuhin kasi yon.”
Bakas naman sa mukha nito ang pagkadismaya. “Sorry talaga ah,” ulit pa nito. “Gusto ko lang naman kasing makipagkaibigan sayo.”
“Hindi. Okay lang,” pampalubag loob na sabi ko. “Ako na ang bahala doon.”
Ngumiti ito saka sinabing, “Sandali lang hah?” Nagpunta ito para umorder ng sariling pagkain saka nagbalik sa table, dala ang package meal na inorder.
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay na siya na mismo ang nagbibigay ng talking point. Ako naman ay nakikisakay rin sa mga sinasabi niya. Friendly rin naman akong tao lalo na sa isang magandang binibini. Masyado siyang amenable kaya halos lahat ng tungkol sa kanya ay napag-usapan na namin. Kung saan siya nag-aaral, course, hobbies at marami pang iba. Masaya rin siyang kausap. Honestly, I am beginning to like her. She’s nice and yes, beautiful. Bigla namang sumagi sa isip ko si Alex. Baka naiinip na yon. Mukhang matagal na kaming nag-uusap ni Rachelle.
Pinatapos ko nalang ang kwento niya saka nagpaalam. “A… I think, I have to go. Baka naiinip na ang girlfriend ko. It’s nice chatting with you by the way.” Aalis na sana ako ng hingin pa niya ang number ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko. Hindi sa excited akong ibigay ang number ko kundi para itext na rin si Justin.
Halos maikot ko na ang buong mall pero hindi ko makita ang epal na yon. Tinawagan ko pero hindi naman sumagot. Ni isang text e wala man lang akong nareceive. Napansin ko ang grupo ng mga high school girls na namamasyal rin sa doon. Malayo palang ay pansin kong nakatingin na ang mga ito sa akin. Hindi ko nalang masyadong pinansin dahil baka naman kung ano ang isipin. Lumampas ako sa kanila at narinig kong sinabi ng isa sa mga ito, “Ang cute naman ni kuya!” Sumunod na ang kantyawan ng mga kasamahan nito. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi na lumingon pa. Wala na muna akong time para magpacute sa mga oras na yon dahil may hinahanap pa akong tupa. Oo. Tupa. Yon nga lang… black sheep.
Napadako ako sa isang souvenir boutique at doon ko nakita ang hinahanap ko. But something bothers me sa hindi maipaliwanag na dahilan. May kausap kasing lalaki si Justin na hindi ko naman kilala. Kahit kailan ay hindi ko pa ito nakikitang kasama ng barkada. Boyfriend? Stalker? Admirer or ano? I had no idea. Ang alam ko lang, naiinis ako sa nakikita ko. Mukha kasing close silang dalawa. Nakalimutan ko palang sabihin. Ang taong gusto… Ang babaeng sa tingin ko ay mahal ko… si Justin yon. Hindi nga lang niya alam kaya wag na rin kayong maingay. But still, naiirita ako. Hindi ko na matiis pa kaya pinili ko nang lapitan sila.
“Troy!” Tawag naman ni Justin sakin ng makita ako. Ngumiti rin sakin ang kasama niya.
Syempre. Ayaw ko namang masira ang good boy image ko kaya ngumiti na rin ako. Poker face. Ngumiti ako kahit naaasar na ako. Mabuti nalang at hindi halata sa akin na napipilitan lang ang mga ngiti kong yon. Sanay na kasi akong magtago ng totoo kong nararamdaman. Doon ata ako expert. “Nalibot ko na ang buong mall. Nandito ka lang pala. Kanina pa rin ako tumatawag. Ni hindi ka rin nagrereply,” maktol ko sa kanya. Doon ko nalang idinaan ang pagkainis ko.
Mabilis pa sa alas dose na tiningnan niya ang cellphone saka ngumiti sakin. “Oo nga ano,” sang-ayon niya. “Hindi ko na napansin e. Sorry naman.”
Asar akong ngumiti. Tss. Hindi mo napapansin dahil masyado kang busy dyan sa kausap mo. Bulong ko sa sarili. Sumulyap ako sa katabi niyang lalaki saka pilit na ngumiti at mas pinili nalang na hindi magsalita. My very own silence is another word for my pain.
“Nga pala,” wika ni Justin sa akin. “Classmate ko nung high school. Si Vash.”
Vash ba kamo? Ano yon? Sosyal na term for bus? Irita pa rin ang mood. Tumango ako at iniabot ang kamay. “Troy.” Pakilala ko. Hindi ko na hinabaan. Asar nga ako e.
Okay na sana pero sabi nga expect the unexpected. Napaarko ang kilay ko ng bigla nalang akong kindatan nito. Ano naman yon? Parang iba ang dating sa akin ng kindat na yon a. Napasulyap na ako kay Justin na natatawa lang sa gilid.
“Hi,” mala-boses babaeng bati naman sa akin ni Vash.
Totoo ba to? Grabe! Nag-selos ba ako sa isang bi? May itsura naman kasi at hindi aakalain na bading. Napabuntong-hininga ako at natawa na lamang. Hindi naman pala si Justin ang type nito e. Ako ata? I smirked.
“Anong ginagawa nyo naman dito?” Pag-iiba ko sa usapan.
“Sinasamahan ko lang na bumili ng souvenir. Ibibigay ata sa only one nya,” sagot naman ni Justin sa akin saka tinudyo ang kasama niya.
Only one? Lihim naman akong natawa sa terminology. Natalo pa pala ako ng Vash na yon. May only one na. Samantalang ako, wala. Hindi inaasahan na mapatingin ako kay Justin at nabaling ang buong atensyon sa mga ngiti niya. Para sa kanya kasi worst feature daw ang pagtawa niya. Para sa akin naman, best iyon. Bakit? Kasi alam ko na totoo ito at walang halong arte. Kahit na talaga namang mababasag ang eardrum mo sa tawa niya. Pag nakikita ko siyang masaya, gumagaan na rin ang pakiramdam ko. Teka, masyado na bang keso? Nagsasabi lang ako ng totoo.
Kung tutuusin, crush lang naman talaga ang nararamdaman ko para sa kanya noong una. Hindi ko namalayan na nag-iba na pala ngayon. It grows stronger and deeper than I thought. Kapag may crush ka, dalawa lang naman ang pwedeng mangyari. Either mawala yon sa pagdaan ng panahon o lumala and turns to what we called — love. Sa sitwasyon ko ayon… lumala.
Isa pa, hindi pa rin ako nakararanas manligaw. Wag nyo na akong tawanan. There’s a reason behind. Masyado ko kasing itinuon ang atensyon ko sa pag-aaral. At nagbunga naman ito ng maganda. Better than I expected pa nga with all the good grades na nakukuha ko. Para sa akin kasi, may tamang panahon sa lahat ng bagay. Yon nga lang nakakalimutan ko na ang mga bagay na dapat sana ay binibigyan ko rin ng panahon. Pero ayos lang. Mahaba pa naman ang buhay kahit na hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa kinabukasan, so as everybody. Wala talagang nakakaalam. Faith is all that was left. Isa pa, dapat alam rin natin ang lugar at limitasyon natin. Hindi naman ako naglelecture. Sinasabi ko lang ang nasasaloob ko. Sabi kasi ng iba, masarap daw magmahal. Ayon, nasobrahan. Minahal na halos lahat. Di lang isa kundi isang dosena pa. Ang masasabi ko nalang, aanhin mo pa ang pagmamahal kung ginagawa mo rin lang na isang libangan? Bakit ka magmamahal kung alam mo naman na hindi ka pa handa? And not just because I had been given a handsome face… ahem… ay gagamitin ko na yon to take advantage on every girl. Hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko. May ilan ding nagseseryoso at kabilang na ako doon.
Well, balik
Comments (0)