Dating a Geek by Crimson Skye (ebook offline TXT) 📖
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek by Crimson Skye (ebook offline TXT) 📖». Author Crimson Skye
Palihim namang tumingin si Paige sa kamay na may bandage saka sumulyap kay Stephen. Alam nyang naiinis na ito. Ganun ba talaga ang mga lalaki? Maiinisin? Dinadaan nalang nga nya sa pang-aasar ang hiya nya dito e. Nahihiya siya dahil nagiging pabigat na naman sya sa isang taong wala namang kinalaman sa buhay niya. Aaminin nya na may katigasan talaga ang ulo nya at may kataasan ang pride pero marunong pa rin naman syang mahiya. Kahit konti. Kaya naman tumayo na sya para magpaalam dito.
“A-Ahmm.” Nauutal pa siya. Awkward kasi ang moment para sa kanya. “Alis na ako.”
Hindi naman ito umimik ni tingnan man lang sya. Patuloy pa rin ito sa ginagawa na walang iba kundi ang paglalagay ng tubig sa baso. Ganun nalang ba ang uhaw nito? Focus sobra ha. Bigla tuloy syang nakaramdam ng uhaw. Naisip nyang makiinom man lang bago umalis pero she hesitated. Hayy. Wag na nga lang. Humakbang na sya paalis nang maalala niyang hindi pa talaga sya nakakapagpasalamat dito ng seryoso. “A-Ah… Salamat sa lahat. Wag kang mag-alala utang ko ‘to sa’yo. I'll pay you someday.” Mabilis lang nya yong sinabi para makaalis agad siya. Okay na naman siguro yon. Paige pouted.
Nasa pintuan na siya ng marinig ulit nyang magsalita si Stephen. “Hey. Pinapaalis na ba kita?”
Tumingin si Paige kay Stephen at nakitang patay malisya lang ito. Paige sneered. Tss. Napaka-blanko talaga ng mukha nito. Mahirap malaman kung ano ang iniisip. Poker face nalang palagi. Wala syang nagawa kundi bumalik sa couch. Hindi rin nya alam kung bakit napapasunod sya nito. May sense of authority kasi ang boses nito once na nagseryoso na. It was calm but wholly intimidating.
“Sabihin mo nga sa’kin…”
Narinig niyang sabi nito saka umupo pabalik sa couch na may dalang glassful of cold water. Tumingin si Stephen sa kanya na parang nanunuri. Eye to eye contact. Hindi tuloy sya makatingin ng deretso dito. Badtrip talaga! Bakit naman ganyan sya kung makatingin?
“…tutor ka ba talaga?” Nakatingin pa rin ito ng deretso sa kanya.
Normal lang naman ang boses nito pero bakit tinamaan sya sa tanong nito. Hindi nya alam kung anong isasagot. Mukhang nagdududa na ata ito sa kanya. Sasabihin na ba nya ang totoo? Truth o another made up story again. Tsk. Asar.
Bahala na nga. Paninindigan nalang nya ang sinabi niya dito. Back to first statement. “Oo nga. Bakit mo ba tinatanong? Nasabi ko na sayo yon di ba? Tsaka ano namang pakialam mo sa trabaho ko?” Sunod-sunod rin nyang tanong. Imbis na sumagot sa tanong nya, ngumiti lang si Stephen. Yong nakakainis na way ng pag ngiti nito ang nakakapagpainit ng ulo nya.
Maya-maya pa ay narinig nya ulit itong nagbato ng tanong na hindi nya alam kung bakit interesado pa itong malaman kahit mga maliliit na bagay. “So pauwi ka na nung first instance na makita kita then you just disappeared? Where the hell did you went?”
“Ano ba kasing tanong yan?” singhal niya dito.
“Sagutin mo nalang.” Calm pero harsh na ang boses nito.
Ayoko na! Naiinis na talaga ako! Tumayo siya at dali-daling napunta sa pinto para umalis. Wala syang panahon para sagutin ang mga walang kakwenta-kwentang tanong nito. Nagulat nalang si Paige dahil naka-lock ang pinto. Tumingin siya kay Stephen. A threatening one. Tumingin rin ito sa kanya at itinaas ang susi ng suite na nasa kamay nito. Anong drama na naman ito? Ni-lock pa nya ang pinto? Nakakapikon na ito ha!
“Ano bang problema mo? Bakit mo ni-lock?” galit nyang tanong dito. “Sisirain ko ‘to kapag hindi mo binuksan!” Pananakot pa ni Paige pero dedma lang siya nito.
“Go ahead. I don't mind at all.” Nakatingin lang ito sa kanya at hinahayaan syang gawin ang pananakot nya. “May pambayad ka ba? Pwede kang kasuhan ng hotel owner sa gagawin mo. Damage to property kaya yan. Pag mumultahin ka lang naman nila ng 10,000-15,000 dollars. Knob lang naman yan e. Kasama na rin dun ang abala nila. Tapos makukulong ka pa ng 2 to 3 months.” Tinaasan pa siya ng kilay nito. "Ano? Game ka?"
Kainis! Wala kasi siyang pambayad. Ano bang alam niya sa law? Akala mo naman kung sino. Hindi sya natinag sa kinatatayuan niya. Hi hindi nya tinitingnan si Stephen. Patigasan tayo ngayon. Hmp!
Pinipigil ni Stephen na matawa sa nakikitang reaksyon ni Paige. Napaniwala naman nya ito. Pag nasira yon sya naman talaga ang magbabayad dahil sya ang may hawak ng suite. “Dyan ka nalang ba talaga? Marami pa akong itatanong baka mangalay ka. Concern lang naman ako sa’yo.” Pang-iinis pa nya.
Tss. Concern? E bakit ayaw mo akong paalisin? Naiisip ni Paige sabay irap dito. Sa pagkakaalala nya nakapag-thank you na naman sya dahil ginamot nito ang sugat nya. Yong Stephen nalang talaga na yon ang may problema. Problema sa utak!
“Hindi ka rin naman makakaalis hangga’t hindi mo sinasagot ang mga tanong ko,” dagdag pa ni Stephen.
Tumingin sa kanya si Paige. “Ganyan ba talaga ang ugali mo ha?” Galit na talaga ito. “Hindi ka lang nerd ang weird mo pa! Wag ka na nga lang makialam sa buhay ko please.”
Napa-ismid naman siya sa narinig. Ayan na naman kasi ang nerd na word. Natatawa lang sya pag tinatawag sya nitong nerd. Ganun na ba talaga kaganda at kapani-paniwala ang disguise nya? “Oo na.” Mahinahon nyang sabi dito. Wala silang mararating kung parehas silang magtataasan ng boses. “Sit back here.” Aya niya kay Paige na nagmamaktol pa rin sa may pintuan.
Sumulyap ito sa kanya. “Pwede ko namang sagutin ang tanong mo kahit nandito ako a.” Pagmamatigas nito saka sumandal sa pinto.
Bahala ka na nga. Stephen sighed. Matigas talaga ang ulo. “Uulitin ko ulit. San ka pumunta nung bigla ka nalang mawala kanina? Then I saw you again after an hour and you’re bleeding. Nahold-up ka ba talaga kaya ka nasugatan?” Umpisa niya. Gusto nya kasing mapaamin ito with her own words.
“Oo.” Seryoso naman ang mukha ni Paige. “May pinuntahan pa ako kaya siguro nawala ako sa paningin mo.” She still can’t believe na nakita pala sya ni Stephen sa sidewalk. Hindi rin nya alam na sinusundan na pala sya nito.
“Galing ka ba sa bahay ng tinuturuan mo?”
“Oo. Pauwi na nga ako e.”
Talaga lang ha? Napangiti naman si Stephen sa sagot ni Paige. Sige lang. Mapapaamin din kita. Galing pala sa bahay ng tinuturuan ha? He clasped his hands and asked, “Gaano na ba katanda ang tinuturuan mo?”
Natigilan si Paige. Ha? Pati ba naman yon? Hindi nya napaghandaan ang isang yon a. Para naman itong interrogator sa mga tanong na binabato sa kanya. Daig pa nya ang kriminal na may patong-patong na kasong kinakaharap. “Hindi ko exactly alam kung ilang taon na yon. About 5 to 6 years old?” Hindi pa siya sure sa sagot niya.
Anong klaseng tutor ‘to? Kahit simpleng information sa tinuturuan hindi alam? Tss. Ang bilis naman nyang hulihin. Hindi rin pwedeng artista. Halatang nagsisinungaling. “Liar.” Deretso nyang accused dito saka tumingin ng deretso sa mga mata ni Paige na agad namang umiwas sa stare nya. Bingo!
“A-A-Ano bang sinasabi mo?” Nagtaas na naman ito ng boses at nauutal pa. “T-Tigilan mo na nga ako at buksan mo na ‘tong pinto na ‘to!”
“Wawasakin mo di ba? Sabi mo?” Stephen provoked. “Go ahead.” Wala namang magawa si Paige. “Why don’t you just tell the truth? Huli na kaya kita.” Kalmado pa rin niyang sabi dito na ikinabalisa naman nito.
Ano bang pinagsasasabi nya? Alam na ba talaga nya ang totoo? O pinagtitripan lang talaga ako? Kaiinis naman talga o! Malakas ang aircon pero mukhang pagpapawisan siya. Nakatingin lang ng deretso sa kanya si Stephen na parang wala lang. Hmp! Parang ewan! Ano bang meron sa taong ‘to?
Tumayo nalang ito sabay umiling at ngumiti sa kanya. “That’s all for tonight. You can sleep here. We’ll talk tomorrow. Baka naman makonsensya ka at magsabi ka na ng totoo bukas.” Pagkasabi nun ay deretso na itong pumasok sa kwarto ng walang lingon-lingon. Then suddenly went back to turn-off the lights without even looking at her. Naiwan si Paige na blanko at speechless. Ang dilim-dilim na sa loob ng suite.
“Grabe. Ang sama ng ugali at pinatayan pa ako ng ilaw!” bubulong-bulong siya. “Ganun ba talaga ang ugali nun? Akala mo mabait. May attitude problem rin pala!” Kakapa-kapa tuloy siyang lumakad papunta sa couch. Hindi rin naman siya makaalis dahil naka-lock nga ang pinto. Malapit na siya sa couch ng mabangga pa niya yong glass table. “Owwwppp!” Pinipigilan niyang mag-ingay kahit masakit yong pagkakabangga ng tuhod nya sa lamesa. Kainis naman talagaaaa! Ang malas ko naman! Naiinis siyang naupo sa couch. Wala siyang maaninag na kahit ano. Naalala nya yong mga sinabi ni Stephen sa kanya. Alam na kaya nitong nagsisinungaling lang talaga sya? Or he was just bluffing para mapaamin sya. Tsk.
Pinapanood lang ni Stephen si Paige sa loob ng kwarto nito mula sa naka-night vision na surveillance cam sa living room. Nang makita nyang nakatulog na ito ay saka lamang siya nag-umpisa sa trabaho niya. There’s a lot to deal with. From the missing files nung mokong na Christopher na yon hanggang sa pag-aanalyze sa mga nakunang surveillance scenes ng mga spy cams na nilagay nya sa University. Idagdag na rin yong nakuha nyang data mula sa registrar’s office at yong kapirasong document na part lang ng isang kung ano mang significant research. It was absolutely misleading kung titingnan mula sa napakalawak na viewpoint. He should undergo different perspective on those matters bago sya magconclude at gumawa ng panibagong hakbang. It’s seems to be a tough night.
Chapter SeventeenMaagang nagising si Paige. Hindi naman kasi siya nakatulog nang maayos kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa araw na ‘yon. Wala na nga pala syang trabaho at back to zero ulit ang buhay nya. Naubusan na rin sya ng mga option. Ni plano wala sya. Idagdag pa yong nananakit nyang sugat sa kamay.
“Agang-aga nakatulala ka dyan.” Nagulat siya ng may magsalita sa malapit sa tenga nya. Nang akma nyang lingunin ito ay ga-dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha nila ni Stephen. Para namang tambol sa bilis ang tibok ng puso nya. Sobrang lapit nito sa kanya. Nakatunghay ito sa couch kung saan siya nakaupo. Mukhang kagagaling lang nito sa shower. Basa pa kasi ang buhok nito at may towel pa sa balikat. She could even smell the refreshing, manly scent nito. Siguro mamahalin ang gamit nitong bath soap. He smells good kahit wala pang perfume. Hindi naman nya maaninag ang mga mata nito dahil sa suot nitong salamin. Pero sa tingin nya, sa kanya ito nakatingin. Para rin syang nagyelo dahil hindi agad siya nakareact o nakalayo man lang dito.
Tss. Badtrip. Bakit hindi ako makagalaw. First time na may makalapit sa kanyang lalaki sa ganung gap lang. Karaniwan kasi bumubulagta na bago pa man makalapit sa kanya.
Sunod-sunod ang lunok ni Paige. Napansin na rin ni Stephen ang awkward look sa mata niya kaya ito na rin mismo ang lumayo sa war freak girl sa gilid nito at tuluyan nang tumayo ng diretso. Si Paige naman parang bumalik na sa sense nito at biglang nagsalita, “A-Ano bang problema mo?” Obvious na namula ang pisngi.
Napa-angat naman ang isang kilay ni Stephen sa sinabi nito. “Problema ko? Wala.” Ngumiti pa ito saka sinabing, “Ikaw nga itong parang baliw na nakatulala lang dyan.”
Nang-gagalaiti na naman siya sa inis. Umagang-umaga e badtrip siya. Para kasing multo kung saan-saan sumusulpot! Di nya sinasadyang
Comments (0)