Dating a Geek by Crimson Skye (ebook offline TXT) 📖
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek by Crimson Skye (ebook offline TXT) 📖». Author Crimson Skye
Her surroundings seemed to tremble ng magising sya ng umagang iyon. Headache, as usual had been her faithful buzzer. Umaga na naman! The golden rays of the sun was passing through her purple curtains galing sa nakabukas na bintana ng kwarto nya. Kahit na walang TV sa kwarto nya at kahit hindi sya nakakapanood ng daily weather forecast, she definitely knew it would be a good day! Ganun rin kaya ang kalalabasan sa takbo ng buhay nya? Marahang kinusot ni Paige ang inaantok pa niyang mata, inunat ang kayang nananamlay na mga kamay at sinabayan pa ng isang buwis-buhay na hikab. Linggo. Linggo na naman. Isang walang kwentang week na naman pala ang lumipas sa buhay nya. But what about sunday? Napaisip siya sabay kisap ng namumungay pa niyang mata. Ano nga bang task ang naka-assigned nyang gawin for that certain day? Ang alam lang nya ito ang pinaka-hate niyang araw dahil kinabukasan e may pasok na ulit. She circled her eyes, tapping her forehead. Wala. Bokya. Zero. Walang pumasok sa utak niya. No matter how hard she tapped, shake and spun her head still, wala talaga kahit ga-monggong idea man lang.
Sakit na ata niya yon. Makakalimutin! Napatingin siya sa kabuuan ng kanyang silid. Wow! Umiikot at gumagalaw pa ang mga gamit! Parang naka-drugs lang ang feeling. Umiikot nga ba o napalakas lang talaga ang pag-sapok nya sa kanyang nagla-lag na ulo? Mga libro, bolpen, papel … crumpled papers… there were everywhere! One thing she cannot maintain was tidiness. Her room was in a great mess as it always was. Napatingin si Paige sa mesa sa tabi nya. Tons of paper works not of job but of school. Nanlaki ang kanyang mga mata nang may maalala siya. Speaking of job, kelangan nga pala nya ng trabaho! Working student na sya simula ng mag-aral sya sa University, a tough one .. talagang mahirap but she managed to survive. Lampas nang alas-otso at dapat wala na sya sa kanyang kwarto sa ganoong oras pero anong nangyari? She flipped her phone open, low bat. Napabuntong hininga si Paige at mabilis na nagtungo sa bathroom para maligo.
Awww. Brown out? Kelan pa nauso ang brown out dito? She took a deep breathe and sighed. Mamaya na nga alang ako maliligo. Mabango pa naman ako e. Inamoy nya ang sarili. Cologne-cologne nalang.
Why does luck never favors her? In all her life, napakamalas na ata nya. And she absolutely knew that. Anyway, tanggap na naman nya. Wala nang choice e.
Paige Williams was on her senior years at the University of Hartford, a prestigious one gaya nga ng sabi nila at alam naman ng lahat. She took an architectural course as what her mother wants. At dahil sa isang prestigious school ang pinapasukan niya, natural lang na mayayamang tao ang makakasalamuha niya but unfortunately, hindi naman sya isa sa kanila. She had no dough at walang arte sa buhay. She had nothing but a pair of jeans na lagi niyang suot. Sa katunayan kupas na nga kalalaba niya. She was absolutely broke and all that was left for her ay ang utak niya. Luckily, she got a “huge one” kahit na kung minsan e pumapalya. 24/7 ba naman niyang gamitin? Pero at least malaki naman naitulong noon sa kanya. It was her passport to that University, a so-called scholar of Hartford. At proud sya dito!
Mabilis na nilinis ni Paige ang napakakalat niyang kwarto at inihanda ang mga kelangan para sa kanyang ultimate job hunt. Isang matabang babae na nasa edad ng mid-forties ang gumulat sa kanya ng buksan nya ang pinto. Muntik na tuloy siyang mapatili buti napigilan nya.
“Mrs. Davis,” bulong ni Paige, curious sa biglang pag appear ng land lady nya sa harap ng pinto nya. She suddenly had a thought kung anong nagtulak sa ginang na mapunta sa kwarto niya. Cold sweat runs down the corners of her face as she gestured the woman to come in.
“Paige Williams,” bungad nito, nakapameywang sa katarayan. Hinintay niya ang next phrases na sasabihin nito with an awfully troubled look. She somehow had a bad feeling about it. Lalo na sa mga tingin sa kanya ni Mrs. Davis “Gusto ko lang ipaalala sa’yo ang rental bills mo. Baka kasi nakakalimutan mo na.”
She set a faint smile on her lips. Sabi na nga ba e. Oo. Alam naman niya 'yong about sa rental bills. At alam rin niya na hindi pa naman deadline. As accustomed, hindi pa nga due date e naniningil na ang bruha. She was a really terrible woman. Sa katunayan, halos lahat ng boarders have moved out of that apartment. Lima nalang ata silang natitira doon kung hindi siya nagkakamali. It was really a burden for her especially if she had been living alone. Kahit na hindi naman kalakihan ang inuupahan niyang kwarto, mahal at mabigat pa rin sa bulsa. Napakamot siya sa kilay sabay sabing, “Pwede po bang next week nalang? Medyo kinapos po kasi ako ngayon. Babayaran ko naman po kayo kapag nakahanap na po ako ng bagong trabaho.”
Napa-ismid ang bruha sa sinabi nya. “A week? Nababaliw ka na ba? Napakatagal noon!” The woman fanned out her hand. Napakaalinsangan talaga sa kwarto nya kasi wala naman syang air con. Ahem. Ni electric fan nga e wala, air con pa kaya? “Alam mo naman siguro na may mga bagay rin akong kelangang bayaran at kelangan ko na ang bayad mo ngayon. Dapat nga noong isang araw pa kita siningil. Tsaka may anak rin akong kelangang buhayin.” Isang napakatabang batang lalaki na nasa edad lima ang sumilip sa may tagiliran nito. Yon si Miki, ang nag-iisang anak ng land lady nya. Mukha ngang pinapakain ng husto ni Mrs. Davis ang anak, kita naman sa hawak-hawak na fried chicken sa kamay nito plus isang malaking potato crisp sa isang kamay. Meryenda palang yan.
“Oo nga, mukhang kelangan talaga nyong pakain ang anak ninyo… baka mangayayat,” bulong ni Page saka ngumiti ng pilya. She could not imagine if the child continue to expand like a huge balloon. Sikip na nga halos lahat ng mga damit nito. Ibinaling niyang muli ang atensyon sa land lady nya na mukhang naiinis na rin sa paghihintay. “Kahit po konting panahon lang? Wala po talaga akong maibibigay sa inyo sa ngayon,” marahan niyang paliwanag dito. Alam niyang hindi siya magaling na artista pero sana lang mag-work.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng bruha. “O sya sige. Dahil maganda ka naming magbayad, bibigyan pa kita ng tatlong araw na palugit para mag-impake ng mga gamit mo.” Bago pa man siya makapagsalita matulin na siyang iniwan nito.
Napakagahaman talaga ng bruha na ‘yon. Naisip niya at sinabayan pa ng pag-iling. Kung sinusuportahan man lang sana sya ng papa niya kahit na konting sentimo e di makakapag bayad na sana siya ora mismo. Sa kasamaang palad, mukhang nakalimutan na nang itinuturing niyang ama na may isa pa syang anak na naghihirap at nagdurusa mag-isa. Napaismid na lamang siya sa kanyang naisip. Bakit nga ba sya binigyan ng isang amang katulad ng meron sya? Naningkit ang mga mata ni Paige at mabilis na isinara ang pinto. Papababa na sya ng hagdan nang may mapansin siyang dyaryo sa basurahan. Sa hindi malamang dahilan, brought by her curiosity maybe, agad niya itong kinuha at hinanap ang classified ads corner at binasa ito pababa ng hagdan.
Mainit na ang sikat ng araw sa balat niya nang isa-isahin niya ang bawat tindahan na feeling niya e suited para sa part time job. Wala siyang pakialam kahit na mahirap iyon as long as kaya naman nitong buhayin siya sa araw-araw. Living alone was not an easy thing. It was almost past noon pero wala pa rin siyang nahahanap na trabaho. Halos mamarkahan na niyang lahat ang ads na nasa dyaryo nya pero lahat sila ay nauwi lamang sa isang malaking letter “X”. Take note pula pa mandin! Napabuntong-hininga sya sabay shoot ng dyaryo sa basurahan. Walang kwenta naman. Unti-unti na niyang naramdaman ang pagsakit ng tyan niya.
“Gutom na ako,” bulong nya at naupo sa tabi ng daan.
Halos lahat ng makita nya busy sa kani-kanilang lakad, unlike her, na nakaupo at naghihintay sa kung anong darating. How long would she stay like that? A hopeless, no-good girl ng Hartford. Wala naman siyang kaibigan na masasandalan o mauutangan man lang. Besides, hindi siya mahilig mangutang.. Bakit? Kasi mahirap magbayad! Hmm.. Pagdating sa kaibigan? Teka! Meron naman pero ang problema, milya-milya ang layo nito sa kanya! Lalo naman sa University, lalong wala. Ni isa nga walang pumapansin sa kanya doon. May bad record na kasi siya and everyone thinks of her as a war-freak lass. Ayaw kasi niyang tinatapak-tapakan at pinapakailaman siya sa mga bagay na ginagawa niya. Alam niyang iba sya sa lahat. Gusto niyang mapag-isa. She even dress like an old-fashioned lady of the nineties with her simple jeans and plain shirt. Kung minsan pa nga e napapagkamalan pa siyang tomboy. Alam naman ng lahat na nabubuhay sya on her own, pinapag-aral ang sarili as working student at ‘yon ang nakakapagpababa sa paningin ng karamihan sa kanya. It makes her an inferior to them, of high class brats. Halos wala ngang nakakakilala sa kanya at wala namang gustong malaman ang pagkatao niya. Pero hindi naman ibig sabihin noon e panget sya. Ibang usapan na yon. Actually, Paige was a pretty girl with her long, blonde hair although not everyone noticed that. Yon nga lang minus points ang fashion style nya.
Paige watched the people passed by in silence. Ni isa wala man lang nakaka-notice sa kanya. It was a fast moving world and everybody was busy on their own agendas. Society of rich class people where poor, incompetent ones have no place. Bigla na lamang may naka-attract ng atensyon nya, ladies that wore trendy clothing with their high-heeled shoe and red lips. Wow! Imagine kung gaano kagaganda ang mga yon. Pero tanggalin ang make-up, walang panama sa kanya! Paige suddenly smirked. Kilalang-kilala nya kung sino ang mga yon at hindi sya pwedeng magkamali. It was the Queen of Hartford! Tiffany with her pals. Ibinaling na lamang nya ang paningin sa ibang direksyon sabay ngisi, imagining herself wearing such tight fitting mini-skirt and stretchy tube tops. Paige suddenly burst into silent laughter, stroking back the strands of hair that fell on her face saka nagpatuloy sa kanyang sariling agenda.
She passed on a common stand and suddenly halted. Hartford University and the Suicide Incidents. Ito ang bumungad sa bukas na TV sa isang appliance store na nadaan niya at sinundan ng live interview sa isa sa mga pamilya ng nasawi. Napabuntong-hininga si Paige. Suicide had been a normal thing to her pero the thought na nangyari ito mismo sa loob ng University brought chills to her spine. Lalo na kung ang mga biktima e puro babae na sa isang tingin e hindi mo aakalaing gagawin ang mga bagay na yon. She wonder what had gotten into their minds. Nasa kanila na nga ang lahat, maging pera or fame! They had everything at all and still, they preferred to kill themselves. Nanliit ang mga mata niya without knowing the reason why. Either sa awa o sa pagkainis. Mabilis siyang tumayo at ipinagpatuloy ang job-hunting niya. It’s better than thinking of the things she had nothing to do about.
Chapter Two
Comments (0)