Dating a Geek by Crimson Skye (ebook offline TXT) 📖
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek by Crimson Skye (ebook offline TXT) 📖». Author Crimson Skye
Napasulyap si Paige sa mga classmate niyang girls na nakaupo sa unahan ng klase nila. Nabaling ang atensyon niya sa nakaririnding tawanan ng mga ito, sabayan pa ng alternate na pagtingin ng mga ito sa kanya. Para bang siya ang pinagtatawanan ng mga ito o ewan... na isa pa sa ikinaiinis niya. One of them who goes by the name Jessica, pulled out a cherry red lipstick sa pouch nito at ini-apply ito sa kaibigan who was sitting on its side. Yong isa naman naglabas ng make-up kit saka naglagay ng deep purple eye shadow sa half-closed lids nito. Jessica glanced back on her and laughed, whispering something on its friend na kasalukuyan namang nag-aapply ng sari-saring cosmetics on their dummy faces. Halos magmukha na tuloy Foundation Day everyday sa clasroom nila dahil sa mga ito. After those "whispering epek", they all end up in laughter as they looked at her from head to toes. Doon na napataas ang kilay ni Paige. She was absolutely sure na siya na nga ang pinagtatawanan ng mga ito. Napasulyap siya sa pananamit niya at wala naman siyang nakikitang kakatawa dito. O baka naman iniisip ng mga ito na napaka-cheap niya dahil napaka-old fahion at dull ng style nya. Idagdag pa sa lagi-lagi nalang niyang suot ang mga ito. E ano bang pakialam ng mga chuchu chenes na ito? Wala siyang pambili ng mga fancy clothing e, hindi tulad nila na halos gastahin nalang ang pera sa mga walang kabuluhang bagay. Isang mapang-asar na ngiti ang pinakawalan niya saka biglang kinuha ang isang makapal na libro sa kanyang nerd classmate na wala nang ginawa kundi magbasa ng mga weird na comics araw-araw. Binato ni Paige ang libro right at Jessica’s face na agad nitong ikinahulog sa upuan nito sa lakas ng pagkakabato niya. Na-shocked ang lahat sa ginawa niya. Ni isa walang nakapag-react sa katahimikan. She threw a threatening look on the others and went to pick up the book. Pagkakuha niyon ay napagtripan pa nga niya ang kaibigan nito for a mild-almost-fake slap saka napangiti, seeing the nervous look on its face. Jessica managed to stand back to her feet and was about to utter something sa sobrang galit pero bago pa man ito makapagsalita, Paige put her finger over its red lips na mamasa-masa pa dahil sa lipstick nito.
“Shhh…” Paige hushed and smirked. Inalis niya ang daliri niya saka tiningnan ito ng nakapandidiring tingin ng makita ang red tint na nalalin dito. “Alam mo ba na napakapula ng lips mo? Daig pa ang ikinuskos sa magaspang na semento.” She rubbed her fingertips on Jessica’s top and went back to her chair with the book on her hand na parang walang nangyari. Isang malakas na tawanan ang nag-echo sa classroom nila kasabay ang kabi-kabilang bulungan ng mga kaklase niya. Pagtripan na nila ang lahat wag lang si Paige Williams. She absolutely never tolerate such things. Wala siyang pakialam kung magsumbong man ito sa dean nila. She actually got used to it.
Paige handed back the book with a raised of her brow. “Thanks brother.” Napatango nalang ang nerd niyang classmate sabay abot sa libro nito, balik sa pagbabasa. Napangiti lang si Paige. Dahil sa pagkapahiya, humagulgol palabas nga classroom nila si Jessica kasama ang mga friends nito. Tiyak na sa dean’s office ang diretso noon. Their professor suddenly came after. Everyone laid in silence and went to their seats, still laughing to themselves.
“Anong nangyari kay Ms. Porter?” the man on his fifties asked.
Nagkatinginan lang ang lahat saka nagkibit-balikat. “Nag-break sila ng boyfriend niya.” Paige heard one of her classmates said. Isang malakas na tawanan ang bumalot sa classroom nila. Napatango nalang ang prof nila. Akala totoo. Lalong lumakas ang tawanan pero patay-malisya pa rin ito.
“Ganun ba?” He sighed and added, “Well, we had a new fellow to join us on our subject anyway.” The man gestured on someone to join them. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya. Napaismid si Paige. Akalain mo nga naman. Halos lahat nakatingin sa kanilang new classmate, kasunod ang kanya-kanyang bulungan.
Stephen nod slightly, waving his hand in a very awkward manner kaya naman nagtawanan ang lahat. The nerd guy on the back suddenly applauded na nakaagaw sa kanyang atensyon. Agad namang ngumiti si Stephen dito. Seems he got a new buddy now. Napailing na lang si Paige ng makita niya ang mutual reaction ng dalawa. Stephen turned to her and set a smile. Tumango lang siya para hindi isipin nito na snob siya saka ibinaling ang paningin sa ibang direksyon. Mukhang nagtagpo na naman ang landas nilang dalawa.
Chapter Four“He was Stephen Lee,” pakilala ng professor nila. “A transferee student from…” napatitig ito sa hawak nitong student profile at marahang sinabi, “…Pristine University.” Awed came. Pristine University was home of geniuses, kung hindi siya nagkakamali. Maraming kilalang tao ang nakapagtapos sa nasabing institution na sadya namang nakaka-believe.
Paige nodded. Geniuses. Hindi nga naman nagkakalayo, she thought. Well, he looked like that sort of a guy. Genius-looking pero in an awkward way nga lang. “You can now take your seat. Hmm… Saan pa ba may bakante?” Nilibot ng paningin ng prof nila ang buong silid. “Ah, there! Sa tabi ni Ms. Williams!” She heard their prof. Agad namang lumapit si Stephen sa bakanteng spot sa tabi niya.
“Hi there,” bati ni Paige sabay ngiti dito. “Paige Williams.”
Stephen nodded and smiled back. The same nerd guy na over ang kasiyahan nang makita siya just as he entered the room, extends its hand onwards.
“Nicholas Freeman,” the man intoned with a wide grin.
Inabot naman niya ito para makipag-shake hands sabay introduce na rin. “Nice meeting you. Stephen here.”
Natapos ang klase sa loob ng dalawang oras. At sa loob ng dalawang oras na yon, their professor do all the talking, explaining and some sort of uncomprehending humor na ito lang mismo ang nakaka-appreciate. Boring in a simple thought. Paige turned her glanced on Stephen na akma na sanang aalis at mabilis itong sinundan. “Pwede ba akong makisabay? Kung ok lang?”
Stephen raised his brow and said with a hesitant smile, “Oo naman… b-bakit hindi?” Paige went to his side, with hands on the pockets of its jeans. Isang bagay ang agad na napansin ni Stephen sa babaeng ito. Of all the ladies in the University, only this girl wore such bland style of fashion. Pang "dekada sesenta" ang trend. Usually, girls wore mini-skirts and almost-seen-everything tops. Kabaliktaran naman nila ang isang ito. Nagmumukha tuloy itong tomboy sa paningin niya. Isa pa napansin niya is that Paige had no friends. “Nasa’n nga pala ang mga friends mo? Bakit hindi mo sila kasama? Nakakatawang isipin na sa isang transferee ka pa nakiki-mingle.”
Napatingin sa kanya si Paige. “Hindi uso sa akin yon e,” her curt answer.
Mukha nga. Bulong ng isip ni Stephen pero pinili nalang niyang manahimik at alamin pa ang background nito. “How come?” Tanong niya. “Are you some kind of "rebel with a cause" type?”
Natawa naman si Paige sa tanong niya. “Rebel with a what? Of course not. They’re just, alam mo na… stuck-up rich kids tulad nila hindi pinapansin ang mga katulad natin.” Tiningnan niya ito in a more quizzical look. Oo, gets niya yon. Pa-innocent type lang ang peg nya ngayon. “Oh, come on. That’s society. A so-called geek tulad mo at ang isang rebel-looking girl like me, walang place dito. Hindi nila tayo kilala at wala silang pakialam sa atin. University for the rich and fashionistas nga kasi ‘to," explain ni Paige sa kanya.
Stephen nodded in agreement. ‘Yon naman talaga ang gusto niyang mangyari. ‘Yong tipong walang nakakakilala sa kanya sa University. Mas maganda nang konti ang involved. The more the messy it will be hindi tulad ng usual saying na the more the merrier. “Saan ka ba kasi pupunta?” Narinig niyang tanong ni Paige. “Comfort room,” tugon niya. Bigla namang napatigil si Paige sabay sabing, “A-Ah. Sorry. Bakit hindi mo kaagad sinabi kanina? Susunod-sunod pa naman ako sa'yo.”
“Hindi ka naman nagtanong, ‘di ba?” sagot niya sabay tawa, turning into the narrow hallway. Naiwan naman sa di kalayuan si Paige na sinadyang magpaiwan nang malaman kung saan siya pupunta.
Agad namang napaarko ang kilay ni Paige nang makita kung saan lumiko si Stephen and dropped her lips. Mali kaya ang pinupuntahan nito. Hindi naman doon ang comfort room ng boys e. A moment later, Stephen came back with a reddened face. It was girls’ comfort room actually. Hindi na siguro napansin ni Stephen ang malaking symbol ng girl sa labas. She laughed and said, “It’s on the next turn buddy.”
“Bakit hindi mo man lang sinabi sa’kin kanina?” he asked, scratching the back of his head. Aminado naman siyang hindi niya napansin yong malaking sign ng skeleton na may palda dun sa labas. Naka-focus kasi ang atensyon nya sa pang-aasar sa new-found acquaintance niya.
“You never asked,” came her reply at saka tumawa, isang mapang-asar na tawa just like what he did. Stephen shook his head and chuckled. “Sige, hintayin nalang kita sa cafe,” Paige said and leave, may pagkaway pa kay Stephen. Bakas pa sa mukha nito ang mapang-asar na ngiti. Stephen just smiled in silence. He never thought na magkakaroon siya ng friend na madali pa niyang nakasundo. And take note, in a form of Paige Williams pa na parang kinatatakutan ng lahat. Looks really can be deceiving. Hindi naman pala ganoon kagalit sa mundo ang babaeng yon. Wala lang sigurong nakakaintindi at pumapansin sa kanya.
Stephen watched as she disappeared in the hallway. Napatingin siya sa kanyang relo. Sixty minutes nalang at magsisimula na ang next class nila. Matagal na ang isang oras. Setting the time on a half, he continued on his assignment. He turned to the men’s room and entered one of the cubicle. Agad niyang sinimulan ang trabaho niya. He configured a pebble-sized surveillance device into his portable tablet. Isang image ang lumabas sa screen, connected. He immediately glanced outside. Wala pang tao. He surveyed the area. Yong seemingly-looking-nerd glass na suot niya was not an ordinary glass at all. It could detect any devices na nasa loob ng given perimeter. It begin to scan all active devices and found nothing. He place the device on one corner and leave the area para naman sa rooftop. The next thing you will know, nagkalat na ang mga spy cams all over Hartford University sa loob lamang ng half-hour of configuring and setting up ng mga devices. Stephen turned to his watch. Sakto lang. Perfectly just in time. Sa totoo lang, na-beat pa nga niya ang former technical records niya kung hindi siya nagkakamali. The sad part is, hindi na yon recorded ng superintendent nila. He set a fulfilling smile, shoving his hands deeper into his pockets. Nagsisimula pa lang siya. There
Comments (0)