25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖». Author Micah Fruto
Tumingin lang si Ronnie sa akin.
"Na ikaw si A.L."
Ewan ko ba, nahihirapan akong sumagot nun. TInignan ko lang siya.
"Kasi ayaw ko malaman nila na ako yun noon pa lang!" sumigaw ako, "Kapag tumutulong ka ba kailangan pang malaman ng mga tao na ikaw yun? Hindi naman nasusukat yung pagtulong po kapag nalaman nila. Nasusukat.. dito.." hinawakan ko yung puso ko. "Hindi ba tama ako?"
"Uhmm.. yeah." naki-ayon na lang siya.
"Anong oras na?"
"Quarter to twelve.."
Tumayo ako nun kaya lang napaupo ako. Pati ba naman tuhod ko nanginginig na?
"Ihahatid na nga kita doon." sabi ni Ronnie sa akin tapos inalalayan niya ako, "Saan daw ba?"
"Sa likod ng building ng girls."
Sinamahan ako ni Ronnie nun sa paglalakad. Sobrang dilim na talaga. Yung sayawan nun sa chapel eh tuluy-tuloy pa rin pero iniwan na namin yun. Nakakalayo na kami eh naririnig pa rin namin yung tugtog.
Konting ilaw lang meron doon sa likod ng building namin. Nung nandun na ako, wala pa rin si Jasper. Humarap ako kay Ronnie nun.
"Ronnie.. natatakot na talaga ako.. hindi ko alam gagawin ko!"
Hinawakan niya ako nun sa magkabilang pisngi ko.
"Huwag kang matakot. Kaya mo yan. Maganda naman yung intention mo 'di ba?" tapos humawak siya sa balikat ko, "Just go." tinuro niya yung bench doon sa likod.
Hindi ako makalakad nun. Hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Nalulungkot ba ako? Kinakabahan? Naiiyak?
Hindi ko alam.
"O sige, dito lang ako sa gilid. Babantayan kita. Kapag nakita ko na nandiyan na si Jasper, saka lang ako aalis. Ok ba yun?"
Tumango na lang ako sa kanya at dumiretso na ako sa bench. Naupo na ako doon at nakita ko si Ronnie na nakatayo doon sa madilim na part.
Ang tagal ni Jasper nun. After 10 minutes siguro, saka lang syia dumating. Pawis na pawis na siya at hawak niya yung phone niya.
"Kanina ka pa?" unang tanong niya sa akin nung tumayo siya sa harapan ko.
Umiling lang ako nun. Hindi ako makatingin sa kanya. Nanahimik lang kami parehas at walang makapagsalita.
Finally nung maisipan na namin na basagin yung katahimikan, nagsabay pa kami.
"May sasabihin ako.." nagtinginan kami, "Ikaw muna."
Yumuko rin siya nun.
"Ok, ako mauuna." umupo naman siya doon sa bench. Halata mong hindi rin siya makapagsalita. "Hindi ko na patatagalin." huminga siya ng malalim, "PInag-isipan ko na ito ng matagal." tumingin siya sa akin, "Riel, we can't be together."
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakt nasaktan ako sa sinabi niya.
"We can't." umiling siya, "We just can't." napaka-seryoso ng mukha niya, "Marami na akong naging kasalanan sa iyo, so you don't deserve me. I'm just here to say goodbye."
"What?!? Goodbye for what? Kasalanan kailan? Ano ka ba?!? Anong sinasabi mo!?? Ang gulu-gulo mo naman eh!" sinigawan ko talaga siya.
Sa sobrang gulat ko sa pinagsasasabi niya, naiiyak na ako.
"Hindi kita maintindihan."
"Hindi kita mahal. Ibang tao ang mahal ko. I lied to you. Why? Ask Carlo. He knows why."
Umiyak na ako ng umiyak nun. Hindi ko na mapigilan yung sarili ko.
"I didn't mean to hurt you, it's a guy thing. Hindi mo maiintindihan."
Yumuko na ako nun at ayaw ko nang lumapit sa kanya. Nakalimutan ko na kung ano ba yung sasabihin ko sa kanya. HIndi ko alam kung paan ko sisimulan. Para akong nabagsakan ng mundo.
Bakit niya sinasabi sa akin ito?
Nagulat na lang ako nung bigla-bigla na lang may lumabas doon sa gilid na tumatakbo. Tapos Sinuntok niya si Jasper.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa kanya yan! Naririnig mo ba yung sarili mo?" galit na galit si Ronnie nun, "Alam mo ba kung gaano siya natatakot na sabihin sa iyo yung totoong bagay tungkol sa kanya?!? Tama ka! You don't deserve her! You don't deserve a girl like her!" hinawakan niya ako. "Masyado siyang mabuti para sa isang tulad mo."
"Sino ka ba at anong pinagsasabi mo?" hinawakan niya yung bibig niya.
"Kaibigan ako ni A.L. She's in front of you." hinola na ako ni Ronnie, "Tara Riel!"
Hinawakan ako ni jasper sa braso ko.
"A.L.? I don't understand."
"You won't." pinunasan ko yung luha ko.
Bago pa kami umalis sinabi ko sa kanya...
"It's a girl thing. Hindi mo maiintindihan."
***
Kahit na kasama ko na si Ronnie na lumalayo kay Jasper, humabol pa rin siya sa akin at hinigpitan niya yung hawak sa braso ko. Lalo lang akong umiyak nun.
"Bitawan mo nga ako! Bitawan mo nga ako pwede ba?!?" pinilit kong alisin yung kamay niya.
"Hindi kita papaalisin hanggat hindi mo nililiwanag sa akin kung anong nangyayari!" sinigawan niya ako, "Ikaw si A.L.? Paanong nangyari yun? Paanong mangyayari kung si Mandee--" sinuntok niya yung puno doon sa gilid gamit ng kaliwang kamay niya dahil yung isang kamay niya nasa braso ko, "WILL SOMEBODY PLEASE EXPLAIN TO ME WHAT'S GOING ON?!?" namumula na yung mukha niya.
Hinawakan ko rin ng mahigpit yung kamay niya ta inalis ko na talaga.
"Bakit ako?! Pinaliwanag mo ba sa akin kung anong nangyayari? Niliwanag mo ba sa akin kung anong problema? Hindi 'di ba?" nahihirapan na akong magsalita nun dahil sa pag-iyak ko, "J-jasper simula nung nakilala kita pinipilit na kitang intindihin pero hindi mo ko tinutulungan!!!"
Humakbang siya papalapit sa akin at sinubukan niyang hawakan ako. Lumayo naman ako.
"Huwag na huwag mo akong hahawakan!"
Umatras siya nun at tinignan niya ako. Hindi siya umiiyak. Parang isa lang siyang poste doon na walang pakiramdam na nakatingin sa akin.
"Isa lang ang gusto kong malaman, isang tanong isang sagot.." mahinahon na yung boses niya, "Anak mayaman ka ba?"
Pinilit kong pigilin yung sarili ko sa pag-iyak nun. Humihikbi-hikbi pa ako nung makuha kong tumango sa tanong niya.
"So you're one of them..." napaka-fierce nung pagkakasabi niya. Iniwas naman niya yung tingin niya sa akin.
Ang tahimik namin pare-parehas at walang makapag-salita. Tanging yung hangin lang ang maririnig mo. Kaya nung sumigaw si Jasper, parehas kaming ni Ronnie na nagulat.
"For God sake Riel!" sinipa niya yung puno na sinuntok niya kanina, "Anong gusto mong itawag ko sa iyo ngayon? Mahal na prinsesa?" hindi ko na siya sinagot at umiyak lang ako doon sa kinatatayuan ko. "Pare-parehas kayo. Tama ako. Kayong mga may kaya sa buhay!" tinuro niya ako, "You lied to me!"
Sasagot sana ako kaya lang pinigilan niya ako.
"That's it. Nagsinungaling ka sa akin, nagsinungaling din ako sa iyo na mahal kita. We're even. We're in a win-win situation. Katulad nga ng sinabi ko kanina, I'm just here to say goodbye."
Pagkatapos niyang sinabi yun eh binilisan niya yung pagtakbo niya.
"Jas.." hindi ko mabuo yung pangalan niya, "JASPER!"
Hindi na siya huminto nun at nagtuluy-tuloy na siya. Tuluy-tuloy na yung pag-iyak ko nun. Si Ronnie eh inalalayan na lang ako.
Bakit ganun? Win-win situation kami dahil parehas kaming nagsinungaling sa isa't isa? Pero bakit pakiramdam ko parang ako yung talo?
Siguro nga tama siya. I'm just one of them... and will forever be.
Tinignan ko yung phone ko nun.
It's 12:01. At this moment in my life, I actually believed...
Fairytales do end at 12.
Chapter 6
Nung nakauwi na kami ni Kay nung madaling araw, hindi ako makatulog eh umaga na. Siya kasi eh binantayan niya ako at iyak ako ng iyak doon sa unan ko sa boarding house. Panay pa ang tanong niya sa akin...
"Cousin ok ka lang ba? Ilang oras ka nang umiiyak ah.. pinapakaba mo na ko niyan.."
Nakailang ulit din ako sa kanya na hindi ako ok at iiyak na lang ako ng iiyak doon dahil makakagaan yun sa pakiramdam. Pero pakiramdam ko ng mga oras na iyon kahit ilang beses akong umiyak eh hindi mawawala yung sakit na nararamdaman ko.
Monday nga yung last day namin sa resort. Tuesday na ngayon at wala pa rin akong tulog. Nag-umaga na nga't lahat eh gising pa rin ako. Kaibahan nga lang eh hindi na ako umiiyak at nakatingin na lang ako sa kisame.
Dapat ay may pasok na kami ngayon. Kaya lang dahil alam ni Kay na wala akong tulog, hinayaan na niya akong matulog doon sa boarding house at siya na lang daw ang bahalang mag-excuse sa akin sa klase. Hindi ko pa naiku-kuwento sa kanya yung nangyari kagabi dahil wala na ako sa sarili ko. Si Kay naman kahit minsan eh makulit, binigyan niya ako ng privacy ngayon.
Half a day akong natulog. Nung nagising nga ako at tinignan ko yung sarili ko sa salamin, parang hindi ko makilala yung sarili ko. Bago pa ako lumabas ay nagtatago pa ako at tinitignan ko kung nandun si Jasper. Kaya lang naisip ko, pumasok yun at malbo na magkita kami.
Pagbalik ko nun sa room namin, nanood lang ako ng TV buong maghapon kahit hindi ko naiintindihan. Pakiramdam ko kasi lumilipad lang yung isip ko.
Nung hapon na, dumating na rin si Kay nun galing sa school. Hindi ko alam kung paano niya nakuhang pumasok eh pare-parehas kaming puyat dahil kagabi.
"Hey, kumusta na?" yun ang una niyang bati sa akin nung pumasok siya.
Tumingin lang ako sa kanya saglit, tapos binalik ko sa tv.
"Ayos lang."
Binaba naman niya yung bag niya nun at tumabi sa akin doon sa kama ko.
"Alam mo cousin, kapag nagsisinungaling ka madalas hindi kapani-paniwala kasi hindi ka magaling dun.." sabi niya na medyo seryoso, "Hindi na kita tatanungin kung anong nangyari kagabi, pero alam mo naman sasamahan kita kahit ano pa yan.." isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya.
Oras na ginawa ni Kay yun, nalungkot na naman ako.
"Ikaw talaga. Gabalde na yung iniiyak mo ah.." sabi niya sa akin. "Kagabi pa yan. Baka ma-dehydrate ka. Masama yun!"
Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko, umiyak na talaga ako doon sa balikat ni Kay.
"Bakit ganun Kay?" sabi ko habang umiiyak, "Bakit kapag pakiramdam mo ok lahat tapos hindi naman pala? Bakit kapag pakiramdam mo totoo sa iyo yung isang tao yun pala papaasahin ka lang? Bakit kapag pakiramdam mo planado na ang lahat pero kapag nandiyan na masisira pala lahat? Bakit kapag nagmamahal ka kailangan mong masaktan?"
"Maraming tanong hindi naman nasasagot. Maraming 'Bakit' alam mo kung bakit?" ewan ko ba kung pinapatawa lang ako ng pinsan ko pero magaling yan sa ganyan, "Kasi hindi mo naman hawak ang nararamdaman ng ibang tao. Hindi mo hawak yung naiisip nila. Hindi natin alam kung anong susunod na mangyayari. Nasa atin yun. Kaya kung masasaktan tayo sa sa sobrang dami ng 'bakit' sa mundo, dapat handa tayo na tanggapin yun. Dahil kung wala yung mga bagay na yan, hindi tayo matatawag na tao. Hindi ka tao kung hindi ka marunong masaktan."
Umiiyak pa rin ako nun kaya nabasa ko na yung blouse ni Kay. Alam ko naman na wala lang sa kanya yun dahil dinadamayan niya ako sa ganitong oras.
"Uhmm insan.." sabi niya sa akin ng medyo mahina, "Ewan ko kung tamang oras ko bang sabihin sa iyo ito pero si Jasper hindi rin pumasok ngayon."
Inangat ko yung ulo ko nun at tumingin ako sa kanya.
"Bakit daw?" pinunasan ko yung luha ko.
"Ito na naman itong si 'Bakit'..." umiling siya sa akin, "Hindi ko alam. Kung ano man ang nangyari sa inyo kagabi, walang nakakaalam. O dapat ko bang sabihin na hindi ko alam. Si Carlo ayaw din kausapin ni Jasper.." tumingin siya sa gilid, "Sinusubukan niya din daw, tahimik lang daw simula pa kagabi. Si Ronnie.." kinabahan naman ako nun, "Ayun, back to his makapal na glasses."
Natawa naman ako nun. Hinampas ko siya sa balikat niya pero hindi malakas.
"Nakakainis ka!" inalis ko na talaga yung luha ko, "Seryoso yung tao tapos ikaw ganyan ka..."
"Isa pa nga pala cousin.." sabi niya kaya tumingin ako, "Tumawag yung Daddy mo sa phone ko.."
"Huh?!? Anong sabi?" umayos
Comments (0)