25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖». Author Micah Fruto
"Hey ayoko!" hinila ko yung kamay niya.
Nakita naman siya nung babae at ngumiti sa kanya.
"Ok, we have our first pair..." kasi naman oh!!! "Sino pang gustong sumali?"
Walang gustong sumali nun dahil hindi alam kung ano yung game. In the end, kami lang ni Jasper ang nasa harapan at wala nang mapilit yung speaker na sumali pa.
"Since sila lang ang gustong sumali, sigurado na silang panalo." sabi niya sa amin, "Pero siyempre, kailangan gawin niyo pa rin yung game."
Ano ba naman yan! Akala ko ba panalo na kami?
Natutuwa rin si Jasper nun dahil panalo na kami. Nakaupo kami doon sa monoblocks sa harapan at binigyan kami ng board. Mukhang hindi naman masamang game ito.
"Ang tawag sa game eh, 'How well do you know me?'" okay?!? "Titignan natin kung gaano nila kakilala ang isa't isa. Magtatanong kami at ilalagay niyo yung sagot niyo. Bibilangin namin yung parehas niyong sagot."
Ano ba naman yan?!? Wala akong masyadong alam kay Jasper! I mean, meron man.. konti lang.
"First question, sabi nung babae... sa girl ito ah, 'Ano ang favorite color ni.." tinignan niya yung name-tag ko, "Riel?"
Napatingin si Jasper sa akin at napakunut-noo siya. Halata mong hindi rin niya alam.
Ako naman eh wala naman akong favorite color, kaya sinulat ko sa board ko eh.. 'Pink.'
Binigyan kami ng 10 seconds nun para magsulat. After nun pinaharap na yung board namin para i-compare.
"Sinulat ni Riel eh.." tinignan niya yung board ko, "Pink." lumapit naman siya sa side ni Jasper, "Si Jasper naman eh... 'Pink.' "
Whoa! How did he know that? Tinapat sa kanya yung microphone.
"Common kasi sa girls na pink ang favorite color, kaya ayun ang nilagay ko." ngumiti siya sa akin.
Are you kidding me? Hinulaan niya lang yun?
"Second question..." sabi nung babae uli, "Para kay Jasper ito ah." humarap siya kay Jasper, "Kailan ang birthday mo?"
Holy cow! Paano ko naman malalaman ang birthday niya? Hindi ko talaga alam!
Ilang taon na ba siya? 16? Uhmm ano ba? Mag-imbento na lang siguro ako no? Hindi ko kasi talaga alam.
Kaya ayun, nilagay ko na lang eh... July 26, 19**. Grabe naman kasi.
Nung pinagharap yung boards namin, of course hindi parehas. 365 days meron sa calendar, napakaliit ng chances ko.
Nakalagay sa board niya, Jan. 1, 19**.
New Year?!?
Nagsunud-sunod pa yung tanong. Alternate kapag tungkol sa akin at tungkol sa kanya. Unfortunately, lahat ng tanong sa kanya eh namali ako. Nakakahiya na talaga nun. Sobra. Natatapat kasi ako sa mahihirap na tanong. Isa ba naman sa tanong eh 'Saan nagtratrabaho ang parents ni Jasper?'
Who knows? Alam ko sa farm yung uncle niya at auntie, pero saan?
Kaya panay na lang ang hula ko.
Pinakahuling tanong sa amin eh, 'Anong ideal date ni Riel?'
Napaisip naman ako. Ideal date? Meron nga ba?
Syempre medyo suspense yun. Kinuha na nung teacher namin yung board at dinala niya sa harapan. Pinaupo na kami sa likuran nun dahil tapos na yung game. After ilang minuto, hinarap na nung speaker yung sagot namin.
Ito yung mga nakasulat.
'Depende sa kanya.' at yung isa eh, 'Basta kasama siya.'
Tumingin lang si Jasper sa akin nun. Hindi ko nga alam na ganun na lang siya makatingin.
Hindi ko naman inaasahan eh..
Bigla ba naman akong niyakap?!?
-------------------------------------------------------------------------------- Nag-continue pa yung games nun. May paper dance pa nga eh. Pinilit uli ni Jasper na sumali kami. Hindi kami nanalo dahil natumba ako, damay naman siya. Si Carlo at Kay ang nanalo doon. Nakakatuwa nga eh, bridal carry pa talaga.
Inasar ko nga si Kay. Syempre hindi siya natutuwa nun.
May isa pang game na nakatali yung kamay mo sa taas tapos kakainin niyo ng partner niyo yung cake sa harapan niyo. Ang hirap talaga. Maraming nagkaka-untugan ng mga ulo. Ginawa namin ni Jasper, alternate. Siya, ako, siya ako. Nanalo uli kami sa game na iyon. Pero nung nanalo kami, mukhang ewan na yung mukha namin sa sobrang dami ng icing.
Yung ibang games eh hindi na namin sinalihan dahil pinagbigyan na namin ang ibang seniors na hindi pa nananalo. Naupo na lang kami doon sa gilid malapit sa pool. Pinupunasan ni Jasper yung mukha niya ng tissue.
"Riel 'di ba sinabi ko sa iyo may sasabihin akong mahalaga?"
Hindi naman ako masyadong interested sa sinasabi niya, pero narinig ko naman.
"Oh, yung mamayang 12?"
"Yeah.. mamayang 12." tapos yumuko siya nun.
Nanood na lang kami doon sa mga naglalaro. Pinakain din kami ng spaghetti at mga normal sa handaan nung matapos. Nagsisismula na ring maggabi nun at syempre, 6 o' clock nila sisimulan yung Dance.
Binigyan kami ng time para magpalit ng damit namin just in case. Naghiwalay na kami ni Jasper dahil siya eh magpapalit daw ng shirt. Denim nga ang isusuot niya. Ako eh.. skirt na lang siguro.
Lumabas na ako nun at may nakasalubong naman ako. Ang gwapo talaga nung dumaan at halos lahat eh nagtinginan din sa kanya. Hindi ko kilala yun ah? Sino nga uli yun?
Binilisan ko yung lakad ko. Wala na akong pakialam kung sira na yung poise ko. Bigla namang humarap yung lalaki na kanina pa pinagtitinginan. Oh what the--?
"Ronnie?!?" nagulat talaga ako nung makita ko siya, "Ikaw ba yan?"
"Hi A.L.!!" sabi niya nung nakita niya ako, "I mean Riel." tumayo siya ng maayos, "Ok lang ba yung damit ni Carlo sa akin?"
"Yeah, you look.. great." hinawakan ko yung sleeves niya, "Dapat pala ganyan ka lagi manamit, nakatingin tuloy lahat ng girls sa iyo." sabi ko naman sa kanya.
"Talaga?" nakita ko na natutuwa siya, "Thanks nga pala sa iyo ah. Kung hindi mo ginawa ito, siguro hindi na ako umattend."
"Sus wala yun! Mag thank you ka kay Carlo. Damit niya kasi yan."
Nakipag-usap na lang ako kay Ronnie nu habang hinihintay ko si Jasper. Nilipat nila yung spotlight nun from Ronnie, papunta doon sa guy na bumababa.
Well, you know who. Naka-black na polo siya siya na hindi naka-butones. Open yun kaya kita yung white shirt niya sa harapan. Kitang-kita mo na may kausap siya sa phone at tinakpan niya ng kamay niya yung light dahil nasisilaw siya.
Naglakad siya nun papunta sa direksiyon. Akala ko nga sa akin siya galit eh.
"Sinabi ko naman sa iyo ayoko!" sumigaw siya doon sa phone niya, "I gotta' go. Bye."
Nung binaba niya yung phone niya, nilagay niya iyon sa bulsa niya. Tumingin siya sa akin tapos kay Ronnie.
"You look awesome." sabi niya sa akin. Tinitigan lang niya si Ronnie.
"Uhmm, kita-kita na lang tayo mamaya. Aalis na muna ako." sabi naman ni Ronnie na parang natatakot yata kay Jasper.
Hinawakan siya ng Jasper sa balikat niya.
"Pare!" nakangiti na siya, "Kumusta?"
Halata mong hindi inaasahan ni Ronnie yun, pero nakipagshake hands na lang siya.
Nakalagay na yung Bulletin nun sa gitna kung saan nakalagay yung 'Slaps and Kisses' namin. So far, may 7 kisses na ako at wala pa namang slaps. Hindi naman pala masama. I don't care about winning, ang mahalaga sa akin eh wala namang may galit sa akin.
Niyaya ako ni Jasper na umupo kami. Ewan ko ba, parang wala siya sa mood nun dahil hindi niya ako masyadong kinakausap.
"Ok ka lang ba?" naisip ko naman na tanungin siya.
"Ayos lang." sabi niya tapos nilaro niya yung baso sa harapan niya, "Nabadtrip lang ako sa tumawag sa akin."
"Huwag mo na kaya isipin yun, dahil kung iisipin mo... masisira lang yung gabi mo."
"Tama ka diyan!" ngumiti sya, "Bakit ko ba iyon iniisip? Kasama ko si Riel sinisira ko ang gabi ko?"
Natawa naman ako sa kanya nun. Kahit pala masama yung mga nangyayari sa kanya, nakukuha pa ring magsaya.
Hinila niya ako nun.
"Tara sayaw tayo!" hinila-hila niya ako nun.
Disco yung tugtog. Hindi pa naman ako sumasayaw ng disco in-public.
Sinasabayan pa niya yung beat nun at tawa siya ng tawa. Bigla ba namang.. nag- slowdance.
Nakatayo lang siya doon na akala mo eh nahihiya.
"Yan naman ang hindi ko sinasayaw.." sabi niya sa akin tapos umatras sya, "Ayoko niyan."
"Dali na!" pinilit ko ng siya, "Ako na lang mag-lead. Kamay mo dito," nilagay ko yung kamay niya sa waist ko, "Kamay ko, sa balikat mo."
Syempre left, right, left right lang naman yun, nakuha rin naman niya. Pero syempre bago niya nakuha, ako ang nag-lead. Akala daw niya kasi mahirap na parang cha-cha-cha.. or swing.. hindi daw talaga siya sumasayaw nun.
Whether it's swing, tango, or any dance na slow, kaya ko. Nag dance lessons kasi ako. Sinabi ni Daddy sa akin kasi bata pa ako eh mahilig na magpa-party ang family ko.
Itinigil lang yung tugtugan para sa awarding. Nanalo yung isang section para sa most points. Second lang yung class namin. Ok lang naman. Winning isn't about competing, it's about having fun sabi nga nila.
Hinayaan ko naman si Jasper na makisayaw sa ibang classmates namin. Hindi naman ako OA na kami lang dapat ang magkasama all night. Sinayaw din niya si Kay. Ako naman eh sinayaw din ni Carlo pati ni Ronnie. Yung ibang classmates ko eh nahihiya pa akong yayain, pero niyaya pa rin ako. Ang weird nila no? Nahihiya na lang din sa akin pa.
Mas sosyal namanyung pagkain ngayon. May malaking lechon sa gitna, roast chicken, iba't ibang salads, rice toppings... basta marami. Hindi ko nga alam yung tawag sa iba eh.
Nakita ko naman yung kulay itim doon na hindi ko alam kung ano.
Nung umiikot ako, nilaktawan ko nga.
"Ayaw mo ng dinuguan?" narinig kng may nagtanong sa likod ko.
"Uhmm... no?!?" sinagot ko, "It doesn't look right."
"Sus.." sabi niya sa akin, "Try mo." bigla ba naman siyang nagsandok tapos nilagay doon sa kanin ko.
"Bakit mo nilagay yan?"
"Subukan mo lang!"
Wala na akong magagwa nun dahil nasa pinggan ko na. Kumain lang ako ng kumain nun kasama si Kay. Si Jasper kasi sumama kay Carlo eh. Nagpaalam naman siya sa akin.
"Hey Riel, hiramin ko lang si Jasper ah..." sabi ni Carlo sa akin na akala mo eh ako may-ari sa tao na yun, "Lalabas lang kami. Important call."
"Sure." tumango na lang ako.
"It's already 10:30..." tinignan ni Jasper yung relo niya, "24th hour, sa likod ng building niyo." binulong niya sa akin.
Pagkatapos niyang sinabi yun, umalis na silang dalawa.
Ang lalaki ng hakbang nung dalawa. Hindi namin alam ni Kay kung saan sila pupunta pero ang mga itsura nila eh para silang mga busy. Oh well, buti na lang may pagkain sa harap ko kaya hindi nama masama. Yung dinuguan eh okay lang.
Nagseryoso naman na si Kay nun.
"Sasabihin mo na talaga sa kanya?" tinanong niya ako nung matapos siyang kumain, "Ready ka na?"
Yumuko ako nun at iniwas ko yung tingin ko.
"I think so." umiling-iling ako, "Ayoko na kasing patagalin pa eh. Habang tumatagal, mas lalong mahirap lahat."
"Good luck girl.." sabi niya sa akin. "Sana ayos lang maging kalabasan."
Huminto lang siya ng kaunti nun. Nanahimik kumbaga.
"Oo nga pala, 12 din nila iaannounce yung nanalo ng may most kisses ah. Eh di hindi niyo maabutan na dalawa yun?"
"Hindi na siguro."
Binilisan na lang namin yung pagkain namin nun dahil may awards na naman na pinamimigay. Sa teachers ang star of the night eh yuung values teaher namin. Nakakatawa nga siya eh kasi yung suot niyang damit eh ma-balloon pa talagang gown. Parang alam na alam nga niya na may planong dance kaya siya nagdala ng gown.
Nung lumalapit na yung oras na sasabihin ko na sa kanya, pakiramdam ko ay sumisikip yng dibdib ko. Hindi ko ako masyadong makahinga. Siguro dahil bumibilis lalo yung tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Si Ronnie nga kumuha pa ng tubig para sa akin.
"Ronnie natatakot na ko.." sabi ko sa kanya sabay inom ng tubig, "Paano kapag nalaman niya? Tingin mo magagalit siya sa akin?"
"Riel, kapag nalaman niya magiging ok lahat. At least sinabi mo sa kanya. Hindi ba nahihirapan siya dahil namimili siya kung si A.L. ba o ikaw? Kapag nalaman niya, hindi na siya mahihirapan."
"Tama.. tama ka diyan.." uminom uli ako ng tubig, "Paano ko nga pala sisimulan yun?"
"Makisabay ka na lang sa flow ng pag-uusap niyo. Kapag nandun ka na, malalaman mo na yung sasabihin mo. Darating na lang sa iyo yun." hinawakan niya ako sa likod ko, "Pero this time, huminga ka muna ng malalim."
Nag-inhale exhale lang ako. Grabe pala kapag sobrang kaba ka, pakiramdam ko may sakit na ako sa puso.
"Bakit kasi hindi mo sinabi sa kanya?"
Uminom na naman ako ng tubig. Pakiramdam ko nalulunod na ako.
"Na ako si A.L., o
Comments (0)