25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖». Author Micah Fruto
"Parang kang ewan alam mo yun?"
Tumingin ako sa kanya.
"Ano na naman ginawa ko?"
"Yung mukha mo kasi.." tapos tumawa siya.
Hinawakan ko yung mukha ko. Tapos may dinagdag siya.
"Hindi, wala kang dumi sa mukha. Mukha kang ewan kasi..." huminto siya saglit, "Bakit ka nakangiti?"
Yun lang pala yun. Siguro nga tama siya. Nakangiti ako pero hindi niya alam yung dahilan.
"Sinabi kasi nung principal na hindi na ako mapaparusahan. Ni-hindi nga daw nila tatawagan yung parents ko."
"Really?!?" kunwari nagulat pa siya.
"Yeah. Hindi pa nga niya alam nung simula kung bakit ako nandun."
Nanahimik naman siya. Ako naman eh tumingin sa kanya kasi nakatingin na siya ng diretso.
"Baka sinabi ni Mam Amy na wala kang kasalanan.. ganun.."
"Siguro..." ayaw niyang sabihin sa akin na inako niya? "So.. ano namang punishment mo?"
"It's terrible."
"May mas masama pa ba sa paglilinis ng banyo?"
Nakasimangot na siya.
"Oo naman no! It's that stinking Theater Club na walang naman member!"
Tumawa ako ng malakas nun. Theater Club?
"Hindi mo ba interest yun?"
"Yuck. That's so gay.." mukhang punishment nga yung sinasabi ng principal.
"Anong gagawin mo doon? Aarte ka?"
"Ewan ko. Baka gagawin yung 'Romeo oh Romeo' " nagboses babae siya.
"Hindi ka bagay mag-Juliet."
Tapos tumingin naman siya sa akin.
"Hey.. I just got an idea.."
Napakunut-noo ako sa kanya.
"Tama!"
"Alin ang tama?"
"Pwede bang---"
"Pilitin mo mag-lead si Kay kasama ako?" pwede bang ibang tao na lang??? ***13*** Nakakainis naman itong tao na ito. Sa lahat naman din naman ng TORPE, siya na ang PINAKA. Teka, torpe naman ang tawag doon 'di ba? Hindi naman siya makaamin. At take note, wala siyang experience sa bagay na ganito.
WEIRD.
"Hindi ko gagawin yun no!"
"Bakit naman?" nagtaka naman siya sa akin.
"Syempre, hindi naman interest ni Kay ang theater. Buti sana kung makinig sa akin yun. At kung interested man siya sa Theater, e di sana noon pa siya ng sign-up sa club. Kita mo namang hindi.." binilisan ko na naman yung lakad ko.
"Dali na kasi." hindi ko pa rin siya pinansin at dire-diretso lang ako, "Sige naman na! Kayang-kaya mo naman yun eh! Pinsan mo kaya siya!"
"Pinsan ko nga siya pero hindi naman laging nakikinig sa akin yun no!" tinakpan ko naman yung tenga ko.
"Riel naman!" humabol pa talaga sa akin yan..
Lalo kong tinakpan yung tenga ko.
"Blah.. blah.. blah.. hindi kita naririnig! Beh.. beh..beh..." nakatingin ako sa itaas, "La...la...la..."
"Sige naman na oh! Szarielle naman may tiwala ako sa iyo! Kaya mo yun!"
"La..la la.." napahinto naman ako, "Anong sabi mo?"
Huminto rin siya nun at parang ewan yung expression ng mukha niya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Na kayang-kaya mo yun?" parang wala siya sa sarili niya.
"Hindi, bago pa yun..."
"Na may tiwala ako sa iyo?" ako pa ang tinanong.
"Nope.. before that."
Nainis naman siya sa akin dahil hindi na rin niya maalala.
"Ewan ko! Di ko na matandaan."
"You called me Szarielle.."
Tumingin-tingin siya sa gilid niya at lumapit sa akin para bumulong.
"Bakit bawal ba yun?"
"Tangek!" binatukan ko nga ng malakas. "Hindi no." tumigil ako ng kaunti, "It's just that, hindi mo ko tinatawag sa buo kong pangalan. And you got it right." sumabay na uli siya maglakad.
Kakalakad namin nun, nakarating din naman kami sa classroom. Ewan ko ba kung bakit sadyang big deal sa akin na tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Siguro nga mas sanay lang ako ng Arielle, Riel, A.L., or even San Juanica.
Eksakto namang pagbalik namin eh palabas na para sa lunch si Kay. Ewan ko ba, coincidence na rin siguro na lumabas siya, at nagkataon namang sinisiko-siko ako ni Jasper.
Si Carlo naman eh tumatawa sa amin dahil alam niya na nasa trouble kami. Siya kasi pinaka-witness ng nangyari kanina.
"Oi bruha ka! Saan ka nanggaling? Pinapakaba mo ako ah!" halata mong para akong sinesermonan ng pinsan ko.
"Sa office." sabi ko naman.
"PRINCIPAL's.. to be precise." dinagdagan pa ni Carlo.
"Shut up Carlo!"
Nanlaki yung mata ni Kay sa akin at humawak sa magkabilang balikat ko.
"PRINCIPAL's OFFICE?? ANONG NANGYARI?"
Napaka-OA naman talaga ng pinsan ko. Si Jasper naman sumabat.
"Alam mo Kay, yung mga magagaling umarte tulad mo, katulad ngayon.. pwedeng-pwede sumali sa--" tinignan ko siya ng masama, "Mamaya na lang Kay!"
Humarap ako kay Kay.
"Sabi nila tatawagan yung parents ko.."
"WHAT?!? Anong sabi ng DADDY mo?"
Binigyan ko siya ng 'tumahimik-ka-nga-or-else' look.
"I mean, TATAY mo?"
"Walang sinabi kasi hindi naman tinawagan tatay niya. Ako lang in-trouble.." siya na sumagot sa akin, "So what do you say kung sasali ka sa Theater Club?" "Theater Club?" tumingin naman si Kay sa akin, "Anong meron?"
"Aarte.."
Tinaas ko lang yung dalawang balikat ko na parang sinasabing, 'Ewan.'
"Sure."
Bigla akong na-choke nun. Kanina lang sinasabi ko kay Jasper na hindi niya interest yun tapos ngayon ganun-ganon na lang siya umoo?
"Sure, as in YES sasali ka?" mukhang excited naman siya.
"Yeah. Of course. Kung sasali si pinsan ko, sasali ako."
Biglang humarap si Jasper sa akin at tinitigan talaga ako sa mata.
"Syempre sasali si Riel. HINDI BA RIEL???" inemphasize niya yung tanong niya.
"Ako?" tinuro ko naman yung sarili ko. "Ayoko nga."
Parang naiinis na si Jasper sa akin nun. Totoo naman eh, ayokong sumali. Kanina lang si Kay ang gusto niyang kausapin ko, ngayon sa akin pa rin pala babagsak yung pangungulit niya.
"Ayoko nga ang kulit mo!"
Tumalikod uli si Jasper tapos humarap kay Kay.
"Ok, umoo na siya."
"Hindi ako umoo!"
"Cool." sabi naman ni Kay.
Kaya pala ang sarap nilang pagsamahin na dalawa eh no? Kung alam lang nila...
"Ano ba yung story?" hindi naman ako nakikinig nun.
"Beauty and the Beast. You know the rest."
Akala ko ba hindi ako nakikinig? Eh bakit narinig ko yata yun?
"Beauty and the Beast? Sabi mo Romeo and Juliet?"
"I'm speaking in general. Kapag sinabi mong Romeo oh Romeo, anong pumapasok sa utak mo? Theater right? So get over with. Kasali ka na."
"Wow! So it'll be musical?"
"Yeah."
"I'm in!" nakangiti naman si Kay.
Tumingin si Jasper kay Carlo.
"Ikaw?"
"Sige. Supporting role na lang." tatahi-tahimik naman si Carlo.
"Ok. It's settled then." tuwang-tuwa naman si Jasper.
"Ayos. Ngayon lang ako makakasali sa Theater, musical pa." tumabi si Kay sa akin at humawak sa kamay ko, "You'll do fine couz. I'll be the TEAPOT."
"Oo nga naman..." nagbuild-up pa si Jasper.
Kaya lang, parehas kaming nagulat ni Jasper.
"Hey WHAT?"
"I'll be the teapot! Sabi ko kasali ako, it doesn't mean I'm the lead role right?" tinulak pa ako ni Kay, "You're the lead."
"Pero ikaw dapat--"
Tumingin ako ng masama kay Jasper nun. Bwisit talaga!!!
"Hoy, wala akong kasalanan!"
"You horrible BEAST!!!" yun lang ang unang pumasok sa utak ko.
"Oh hey hey hey.. hindi mo naman siguro ineexpect na irereturn ko yung insult at i-address kita ng BEAUTY?"
Nanlilisik na siguro yung mata ko nun.
"I'm out."
"Huh?" nagulat si Kay, "Kung ayaw mo, ayoko na rin."
"Oh come on!" nakapekeng ngiti si Jasper at umakbay sa akin, "She's in."
Hinigpitan niya yung pagkakahawak sa balikat ko kaya napalapit ako sa kanya.
"Right, BEAUTY??" sarcastic smile pa yun.
***
Tinulak ko nga siya ng malakas. Feeling close masyado. Selfish pa. Iniisip lang yung sarili niya. Ang sama ng ugali. Masyado!
"Ayoko nga!"
"KJ nito."
"KJ na kung KJ.. basta ayoko.." dumikit naman ako kay Kay.
Tumingin si Jasper sa akin na nakakaloko.
"Alam ko na!" sabi niya parang nang-aasar, "Alam ko na kung bakit ayaw mong sumali."
"Kapag nalaman mo pwede pakisabi sa akin?!?"
"Alam ko na kung bakit. Huwag ka na sumali. 'Di namin kailangan mga walang talent sa pag-arte."
Ang yabang naman nito. Selfish na nga, mayabang pa.
"Excuse me?!?" syempre ipagtatanggol ko naman yung sarili ko, "Feeling mo naman wala akong talent sa pag-arte. Hindi ako pro, pero hindi naman ako mulala sa ganyan."
"Then prove it."
"FINE!!"
Pagkatapos kong sinabi yung eh nag-wave na siya sa amin ni Kay at dumire-diretso kung saan man siya papunta ng lunch. Siraulo yung tao na yun, pinag-iinit yung ulo ko.
Nakatingin pa rin kami ni Kay sa kanya kahit nakalayo na siya. Narinig ko na lang nagsalita yung pinsan ko.
"Pinsan uto-uto ka alam mo?" sabi naman ni Kay sa akin.
"Huwag mong sabihin ikaw rin kaparehas nung taong yun?"
"Hello? Hindi naman sa nilalait kita, pero uto-uto ka nga." tinap niya ako sa balikat ko, "Narinig mo na ba yung term na, 'reverse psychology?' "
"Of course."
Umakbay siya sa akin na para bang kino-comfort niya ako. Isa pa itong pinsan ko, hindi mo maintindihan ang takbo ng utak.
"I'm sorry couz, pero nauto ka lang ni Jasper."
Mukhang totoo naman yung sinabi ni Kay. Nauto nga siguro ako ni Jasper, pero hindi naman ako basta-basta na lang aatras sa mga sinasabi niya. Syempre, ako pa?!? Competitive ba ako masyado? Hindi naman. May gusto lang ako i-prove sa sarili ko, hindi kay Jasper.
Gusto ko i-prove sa sarili ko na... na may nagagawa rin naman akong ibang bagay.
"Ei, dumating na yung pera galing sa dad mo ah, anong balak mo?"
"Idodonate." nilabas ko yung sobre sa bag ko na pera galing kay Daddy, "Tara lagay na natin doon."
"Idodonate mo talaga? Hindi ka man lang mag-shopping or anything? Kasi alam mo..."
"Mas kailangan ng school kaysa sa akin. Saka yung kisame yata sa science lab nabalitaan ko medyo..." hindi ko naman natapos yung sinasabi ko dahil napigilan naman ako.
"Eh ikaw rin naman kailangan mo ah! Marami ka na kayang nadonate dito. Give it a break." tingnan mo, parang nanay ko no? "Isa pa, ngayon mo ilalagay yan sa donation box? Eh kung may makakita sa iyo?"
"Ito na naman yung issue?"
"Oo. Pinapagod mo lang sarili mo para magtrabaho tapos may pera ka naman. Lukaret ka!" binatukan pa ako.
"O sige, 1 month akong walang gagawin, walang idodonate. Pero last na muna ito, please naman!" ewan ko ba, di ko mapigilan yung sarili ko, "Saka lunch break na, tiyak siguro wala naman makakakita sa akin."
"Mamayang hapon na lang. Tapos magbihis ka ng walang makakakilala sa iyo pwede?"
Dahil hindi na naman ako manalo kay Kay, pumayag na ako sa kanya na mamayang hapon na lang at uwian na ako magdo-donate. Sabagay, may point din naman siya. Kung ngayon ko dadalhin yung pera, baka nga may makapansin sa amin. Mahirap na mag take ng chances.
Kumain kami nun sa cafeteria. Si Jasper nun eh nanulpit na naman. Nakakainis na nga yung tao na yun eh. Syempre pinagalitan siya ni Kay, pero tiyak gustung-gusto niya yun dahil napapansin siya kahit pagalit.
Nagklase kami nung hapon. First period namin ng afternoon classes eh inaantok-antok pa talaga ako. Pero yung second namin eh Calculus kaya medyo nabuhayan yung dugo ko at ang hirap-hirap naman pala nun.
"Ano daw?" tinanong ko naman si Ronnie dahil siya yung katabi ko.
"Homework na yung nasa board. Even numbers lang ang gagawin."
"Ooh.. gee thanks Ronnie." tapos sumandal uli ako sa desk ko.
Naramdaman ko naman na may nag-lean doon sa upuan ko. Hindi na ako lumingon dahil nakakatamad. Isa lang naman yung tao sa likod ko eh.
"Homework na yung nasa board. Even numbers lang ang gagawin..." inulit naman niya yung sinabi ni Ronnie.
"Ano na namang drama mo Morales?"
"Wala bang thank you??" bakit naman ako magtha-thank you sa kanya?
"Bakit naman? May naitulong ka ba?"
Nag-snap siya doon.
"Sayang naman." hindi pa rin siya tumatayo doon sa pagkakaupo niya, "So anong next step mo maliban sa pagpapansin?"
Dahil nga ang kulit-kulit at wala ako sa mood, tumayo na lang ako nun at iniwan ko siya. Sinabihan ko siya na kakain lang ako sa labas at mamaya na lang siya mangulit.
Nasa labas si Kay nun at nakikanta doon sa mga taga ibang section na may hawak ng gitara. Hindi naman talaga ganun kagaling si Kay sa pagkanta, pero maganda rin ang boses niya. Hamak naman sigurong mas ok kaysa sa boses ko. Honestly, hindi pa ko nakakakanta ng public except sa banyo namin. Ewan ko, mahiyain lang siguro ako pagdating sa ganyan.
Tumayo naman ako doon sa gilid nila at nakinig ako. Tumigil sa pagtugtog yung lalaki na hindi ko kilala at nag-acapella nal ang sila. Kinanta nila yung 'Fallen' ni Janno.
Ayos nga eh, nakaka-relax.
"Wow couz, galing natin ah!" pinuri ko naman siya nung natapos yung kanta.
"Ikaw nga?!? Matagal na kitang di naririnig kumanta."
"Ayoko.. saka na lang."
"Dali na.." siniko naman niya ako.
"Chorus lang ha!" tapos sinabi ko doon sa lalaki yung kanta para tugtugin niya sa gitara. Chorus lang naman yung gusto ko para maikli.
Syempre, nahihiya pa ako nung simula, at nahihiya pa rin ako nung talagang kumanta na ako. Ewan. Ang gulo ko.
"Ang pag-ibig kong ito. Luha ang tanging nakamit buhat sa 'yo Kaya't sa Maykapal tuwinay dalangin ko Sana'y, kapalaran ko ay magbago."
Pagkatapos nung chorus na parang napadaan lang eh tumigil na ako.
"Ayoko na. Yun na
Comments (0)