25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour by Micah Fruto (korean novels in english .txt) 📖». Author Micah Fruto
Alam ko naman na butones yun. Kaya ko lang naman siya tinanong eh nagtataka lang ako kung bakit may butones doon eh hindi mo naman kailangang ibutones ang kung ano. Siguro nga, style. Mali lang kasi yung style nung pagtatanong ko. Dapat, ni-rephrase ko.
Sinuot ko na yung apron at sinimulan ko rin na magpunas ng table. Pinili ko pa yung may lemon scent kaysa yung plain na bleach.
"Anong amoy yun?!?"
"Lemon! Ano pa nga ba?" ako naman yung nagsabi sa kanya, "At kung magtatanong ka uli, sprayer ito, at yung kulay sa loob eh yellow." akala niya siya lang ang marunong mag-ganun ah!
"Alam ko na yellow yan! Tinanong ko lang kung ano yung amoy?!? Bakit yan pa yung pinili mong i-spray! Ang tapang.. ang sakit sa ilong. Nakakahilo pa."
"Ang bango nga eh!" binasa ko pa yung nakadikit doon na brand.
"Oo na.. pare-parehas naman yung mga babae. Mahilig sa mga..." nag-boses babae siya, "Lemon, strawberry, cherry, apple.. kasi ang bango eh!" bigla siyang tumigil, "Oh please!"
Pagkatapos naming mag-linis ng tables at nailagay yung mga kalat sa trash can, kinuha ko naman yung walis nila at yung dustpan nila na kakaiba yung itsura. Mahaba yung handle tapos may gulong pa. Nasa loob nga ako nun at sinusubukan kong alamin kung paano gamitin, kaya inabot pa siguro ako ng 10 minutes bago lumabas. Pawis na pawis na ako.
"Nawalis ko na yung buong cafeteria ngayon ka lang lumabas kasama ng walis mo saka dustpan?"
"Sorry ka hindi ko mahanap!"
"Isa lang yung shelf dito. Dalawa lang ang walis tambo, isa ang dustpan. Tapos hindi mo mahanap?!?"
Nainis naman ako. Sabagay, hindi naman niya alam.
"Ayan na yung dustpan mo." tapos binato ko sa kanya.
Eksato naman nung binato ko, may laman pala sa loob yun kaya natapon pa yung nasa loob.
"SORRY!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko, "My bad."
Halata mong gusto niyang gumanti, pero hindi niya ginawa. Nakakapagtaka nga eh. Nung nasa banyo kami nun, madalas gumaganti. Pero ngayon, wala talaga siyang ginawa. Mas ok na rin yun kasi ayokong maging suki ng Guidance Office.
Pumasok na uli ako sa loob at sinimulan ko na yung pagbabanlaw doon sa mga pinggan at ako na yung magsasabon. Si Jasper na lang ang magbanlaw at tagapunas. Siguro naman balance na iyon.
Hindi katulad dati, nakikita ko na si Tilly gumawa nito kapag nakikipag-usap ako sa kanya sa kusina sa bahay namin. Kaya sa ganitong bagay, may alam naman na ako.
Pinuno ko ng tubig yung kabilang lababo para doon na ang banlawan. Nakakadiri nga yung mga pagkain at malay ko kung sino yung mga ngumuya niyan. Ngayon mas na-appreciate ko na kapag kakain ako sa cafeteria na ito, linisin na kaagad. Kawawa rin pala yung mga cafeteria lady na gumagawa nito araw-araw. Mabuti na lang may gloves doon sa gilid na pwedeng gamitin.
Pumasok naman si Jasper at nagka-cough pa siya nun. Aba, tingnan ako ng masama at dala-dala niya yung dustpan at nilagay niya doon shelf.
"Pumasok lahat ng alikabok sa lungs ko.. thank you very much!" tapos sinara niya yung shelf.
Katulad ko, nagsuot din siya ng gloves at tumabi doon sa akin pero sa kabilang lababo siya. Sinimulan na niyang magbanlaw doon at nilagay niya sa gilid yung mga natapos na niya.
"I wonder kung makakatagal ako kung ganito ang maging trabaho ko balang araw.."
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ako.
"Ako for sure hindi ako--" napaisip naman ako, wrong dialogue yun kung itutuloy ko, "--hindi ako... magrereklamo. Ok naman maging trabaho ito ah." sasabihin ko sana eh, hindi ako makakatagal.
"Hindi naman sa ayoko, kaya lang.. gawaing babae ito! Bakit ko naman gagawin?" siraulong ito ah! Hindi lang naman babae ang tagahugas ng pinggan.
"Kaya naman ng mga lalaki ang maghugas ng pinggan ah.. kagaya ng mga babae. Ang dali-dali lang naman." Oo nga madali pero hindi ko ito ginagawa dati.
Napaisip naman ako. Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa utak ko para itanong ko yun.
"Naramdaman mo na ba na parang magkaroon ka ng normal na pamilya, talagang normal, yung tipong, yung tatay ang nagtratrabho... nanay yung tinatawag na 'housewife'. Simple lang. Parang.. yun yung hinahanap mo sa buhay? Tatay ang nagtratrabaho, nanay ang gumagawa ng ganito."
Tumingin siya tapos binalik niya yung tingin niya doon sa pinggan na binabanlawan niya.
"No and Yes." dalawa yung sagot niya?
"Huh?!?"
"No kasi hindi ko naramdaman magkaroon ng normal na pamilya. Lumaki ako sa uncle ko. Yes sa pangalawang tanong mo. Simpleng pamilya."
"Sa katunayan, yun ang ambisyon ko sa buhay." tumingin ako sa ceiling.
"Ang alin?"
"Magkaroon ng simpleng pamilya, para sa sarili ko syempre."
Nakatayo lang siya doon. Napansin ko na umapaw na yung lababo kaya pinatay ko yung tubig.
"Hoy, umapaw na kaya patayin mo na yung gripo." kinuha ko uli yung isang pinggan na marumi para masabunan ko, kaya lang may A.L na nakatatak sa gilid. "Nyay!" muntik ko nang mabitawan, sinalo lang ni Jasper.
"Dahan-dahan ok?" tinignan niya yung ikinagulat ko, "Yeah, ayun na naman yung AL guy."
"Ano?" hndi ko naintindihan yung sinabi niya.
"Si AL. Yung nagdodonate dito. Idol ko yung guy na yun."
Parang gusto kong tumawa nun. He thinks I'm a guy?
"Nababasa mo ba? It's A dot L. Not AL." tama yun, akala niya AL ang basa.
"Siya pa rin yung tinutukoy ko." tapos inabot niya uli sa akin, "Ang tiyaga niyang mag-donate dito para sa lahat tapos hindi siya nagpapakilala. Yun ang totoong tumutulong. Hindi mahalaga na makilala siya o ano." napansin naman niya ako, "Anong nginingiti-ngiti mo?"
"Wala. Natutuwa ako sa pinggan." tinignan ko rin siya, "Bakit naman tingin mo lalaki sya?"
"Sa name? AL."
"It's A.L." ang kulit paulit-ulit na lang! "Paano kung babae siya?"
"Kung mami-meet ko siya, hihingi pa ako ng autograph. Kung matandang lalaki siya, Idol ko siya. Kung matandang babae naman, idol ko pa rin siya. Kung 'man' naman, mid 40's, role model ko. Kapag 'woman' naman na mid 40's, mother-like tingin ko. Kung lady naman siya or so-called guy na nasa 20's, I can say I like them." huminto naman siya, "Pero kung boy, teenager, he's a bro to me. Kung girl naman siya, teenager..."
Hindi naman niya tinapos yung sinabi niya. Nakakainis naman.
"Ano? Bakit naman iba-iba yung tingin mo in certain ages? And gender?"
"Wala lang. Mas mataas lang siguro magiging tingin ko kung teenager siya. Kasi naman sa panahon ngayon, ilang teenager ba ang nag-aabala na mag-donate sa isang school? Mas iba ang tingin ko sa lalaki kaysa sa babae. ngumiti naman siya. "Bro ang magiging tingin ko sa kanya kung lalaki siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin, I like him. Baka isipin bading ako. Sa isang case naman kung babae siya..." ngumiti siya uli.
"I admire her." pagkatapos nun, nabitawan ko na talaga yung pinggan. ***8*** Nagulat din siya nung nakabasag ako. Na-shock din ako eh kaya yumuko ako kaagad.
"May rayuma ka ba or what? Lagi ka na lang nakakabitaw ng pinggan." yumuko rin siya.
"Ako na.. kaya ko na ito. Ako naman nakabasag. Magtrabaho ka na doon."
Tinignan naman niya ako na nagtataka.
"Excuse me? Tinutulungan kita hindi dahil nagpapakabait ako sa iyo. Tinutulungan kita para mabilis kang makabalik doon. Ayoko ngang magsabon at magbanlaw! Sinuswerte ka naman!" sabi ko nga eh, hindi siya concern.
Kinuha niya yung mga kumalat na glass. Kahit na nakakainis siya, meron din pala siyang sinasabi na ok din naman pala sa pandinig.
Dahil nga marami yung pinggan na hinugasan namin, nangangawit na yung braso ko nun. Pagkabanlaw ko nung kamay ko, nakita kong kulay pula na. Saka ko lang napansin..
Nasugatan ako? Bakit hindi ko man lang naramdaman?
Tinignan ko naman yung index finger ko. Ang haba nung cut. Tumigil naman ako at nung tumingin si Jasper, nilagay ko sa bulsa ko yung kamay ko.
"Ok ka lang?" pinupunasan na rin niya yung kamay niya.
"Oo. Sus! Paghuhugas lang ng pinggan! Sanay na sanay na.." tapos tumalikod ako sa kanya sabay yumuko ako.
Saka ko naramdaman na mahapdi na siya. Tinanggal na niya yung apron niya. Nagtataka na rin siya sa akin. Tinalikuran ko uli siya.
"Ayos ka lang? Ang weird mo."
"Kulit mo ah! Oo nga!" tapos hininaan ko yung boses ko, "Ow!"
Tinanggal ko na rin yung apron ko gamit yung kaliwang kamay ko. Ayaw ko kasi malagyan ng dugo eh. Nagulat na lang ako nung lumapit siya sa akin.
"Meron ka ba ngayon?!?" nagulat din siya sa tanong niya, "Huwag mo na sagutin. Kakakilabot."
"Wala no! Sira!"
"Eh bakit may blood stain ka sa damit mo?"
Huh? Meron?
Tinignan ko yung damit ko sa gilid. Siguro napunas ko kanina. Ano ba naman yan! Nakakahiya. Iba iniisip niya.
"Wala ako ngayon o-k??" kainis.
"Kunwari pa." nang-asar pa tapos inalis niya yung polo niya, "Oh pantakip mo."
Kahit na isang napakabait na move yun, medyo nainis pa rin ako.
"Nah.. keep it. Wala ako ngayon. Kadiri.."
"Ganyan naman mga girls eh, halata na.. deny pa."
Grrr! Ang kulit.
"Wala ako ngayon! Nasugatan ako ok?" tapos pinakita ko yung daliri ko.
Lumapit naman siya sa akin.
"Eh bakit hindi mo sinabi?" sinuot niya uli yung polo niya at inabot naman niya eh yung scarf niya na kulay black, "Pantali mo. Kapag hindi tumigil dumugo yan, magkaka-hemorrhage ka."
Iniwas ko naman yung daliri ko sa kanya.
"Hindi na. Hindi naman masakit."
Dahil nga ayaw kong iabot sa kanya, inagaw naman niya ng mabilis at hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Diniinan naman niya.
"Masakit yun ah!" sinuntok ko siya sa braso niya.
"Sabi mo hindi masakit 'di ba?" binitawan din niya yung kamay ko tapos binato niya yung scarf sa akin kaya tumama sa mukha ko, "Itali mo."
Pagkatapos niyang sinabi yun eh lumabas na siya at hindi man lang nag-bye sa akin o ano.
Oh well, ang bango naman ng scarf niya para malagyan lang ng dugo. Sabi naman niya eh!
That guy... is abnormal. What I mean is.. different.
Prankster na smart? Rude pero minsan mabait? Seryoso pero minsan loud?
Isa lang ang name para sa taong ganun...
Jasper.
***
Nasanay na rin naman na ako nung mga sumunod na araw. Yung mga room by room sa school eh saulo ko na. Akalain mo yun, mas masaya naman na ako ngayon dito. For the first time in my life, nararanasan ko na ang totoong high school life.
Ngayon eh weekend na. Nasa 'grocery' ako ngayon gaya nga ng tawag ni Jasper. Madali lang naman yung trabaho eh, ilalabas nila Jasper at Carlo yung boxes, ako naman eh aalisin ko yung dusts at iaayos ko yung mga paninda. May mga cute pa nga na tinda doon eh.
Nung natapos magbuhat yung dalawa, naupo sila at naglabas ng baraha. Tawa sila ng tawa at naglalaro sila ng game. Hindi naman yata sila nagsusugal, kasi walang involved na pera.
Tama yun, maglaro sila at ako dito eh mag-isang nag-aayos.
Tumingin si Carlo sa akin.
"Riel! Hindi ka ba sasali sa amin?" tinanong pa ako? Obvious ba na may ginagawa?
"Hindi na. Busy eh.." tapos nilagay ko uli sa shelf.
"Tulungan mo!" tapos tinulak siya ni Jasper.
"Pinapabili mo nga ako ng ulam diyan sa kanto tapos ngayon tutulungan ko siya? Isa lang ako Jas!"
Inangat ko naman yung ulo ko. Mag-uusap na lang din sila yung naririnig ko pa.
"Pwede pakihinaan niyo yung boses niyo, naririnig ko eh!" tumawa sila parehas, "Thank you."
"E di huwag kang makinig problema ba yun?" inayos na nila yung cards sa harapan nila at tinulak na naman niya si Carlo, "Alis na! Bilihin mo na yung pinapabili ko."
Dinaan lang sa ngiti ni Carlo tapos binatukan naman niya si Jasper. Lumabas na siya ng shop at ewan ko kung saan pupunta yun.
"Bakit ganun mo na lang siya inuutusan?"
"Sumusunod naman eh. Isa pa, tabla lang kami. Ako naman nagluto kagabi." tumayo siya sa pagkakaupo niya.
"Nagluluto ka?"
"Ako?" tinuro niya yung sarili niya, "Kailangan eh. Unfortunately. Ikaw? Kayo ni Kay? Sinong nagluluto?"
"Si Kay." totoo naman eh.
"Hindi ka marunong magluto?"
"Eh kasi yung.. ah.. nanay ko ang nagluluto dati. Ako lang tagahiwa.. mga ganun." si Tilly yung tinutukoy ko, hindi yung Mommy ko.
"Ikaw taga-hiwa? Eh basag na pinggan nga nasusugatan ka na kutsilyo pa?"
"Marunong ako no!" sa kitchen kasi namin noon sa bahay, naghihiwa rin ako. "Tapos na ba yung ginagawa niyong pagbubuhat ng boxes?"
Inayos niya yung pants niya dahil nadumihan.
"Hindi."
"Eh bakit naglalaro na kayo hindi pa pala?" asar! hindi pa pala sila tapos may paupo-upo na?!?
"Gusto namin eh! If you don't mind my dear
Comments (0)